• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MATTEO, inalala na ‘di madali ang pinagdaanan sa showbiz kaya thankful sa mga nakatulong

EXCITED si Matteo Guidicelli to be one of the hosts of Born To Be A Star, kasama si Kim Molina.

 

Matapos na maging judge sa katatapos lang na The Masked Singer Pilipinas ay sumabak naman agad sa pagiging judge ng reality competition si Matteo. Tila paborito ng Viva ang mister ni Sarah Geronimo dahil may bagong work agad ito.

 

Pawang magaganda ang boses ng sumasali sa Born To Be a Star para patunayan na deserving talaga sila magwagi.

 

Dito sa talent search na ito nadiskubre at nagwagi si Janine Tenoso na ngayon ay kinikilala bilang OST Princess.

 

“This show is very exciting,” wika ni Matteo.

 

“Lahat ng mga applicants ay magagaling so I am sure na mahihirapan ang ating mga judges na mamili kung sino ang winner.”

 

Masaya rin si Matteo na balik-trabaho sila ni Kim as hosts. Maganda raw ang naging bonding nila sa The Masked Singer kaya mas comfortable na sila working together sa reality-based singing competition.

 

Before pumasok sa showbiz si Matteo ay isa siyang popular na car racer. Pero tulad ng ibang showbiz newbie, hindi madali ang landas na kanyang dinaanan to be where he is now.

 

“There is no shortcut to success. Maraming pagdaraanan ang isang aspiring artist bago niya maabot ang success. There will be ups and downs.

 

I should know because I went through the same way. Pero thankful ako sa mga taong tumulong sa akin along the way para marating ko what I have now. I would like to thank them for their never-ending support,” wika pa ni Matteo.

 

Kasama rin sa show bilang judges sina Andrew E, Teacher G (Georcelle Sy), Sam Concepcion at Katrina Velarde.

 

Labingwalo mula sa 40 na nag-audition will make it to the boot camp kung saan sasailalim sila sa training ng mga Star Mentors na sina Thyro, Mark Bautista at Wency Cornejo na kapwa experts sa pag-perform, pagsulat ng kanta at paggawa ng areglo ng musika.

 

Ang Star Judge na si Teacher G ay kasama rin sa pagtuturo para ma-develop ang stage presence ng mga kalahok.

 

Ang grand champion ay magwawagi ng P1 million pesos at recording and management contract sa Viva, ang undisputed star maker since 1981.

 

Magsisimula ang Born To Be A Star sa Enero 30, 2021, Sabado, 7 ng gabi sa TV 5.

 

***

 

MATAPOS mapanood at umani ng papuri sa mahusay niyang performance sa The Boy Foretold By The Stars ay muling mapapanood sa isang gay-themed movie ang guwapong actor na si Keann Johnson titled Run.

 

Ayon kay Direk Mel Magno, mas daring ang role ni Keann dito sa Run compared sa role niya bilang student na naging object of affection ng kanyang bading na classmate.

 

Magkaibang-magkaiba raw ang role ni Keann sa Run in terms of characterization compared sa TBFBTS.

 

Role na isang orphan who runs away from poverty ang papel dito ng guwapong si Kean.

 

Kung sa TBFBRS ay Inglesero ang karakter ni Keann (na bagay na bagay sa kanya), paano kaya ang acting na ipapamalas niya bilang isang mahirap na orphan sa Run?

 

Simula Enero 22, Biyernes ng 10:00 p.m., mapapanood ang BL movie na Run sa KTX sa halagang PHP199. Bida rito sina JR Versales (Seklusyon) at Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars). (Ricky Calderon)

Other News
  • Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]

  • Inaming ni-reject ang marriage proposal noon ng ex-boyfriend: RABIYA, after two years ay ready nang magpakasal kay JERIC

    NA-MISS na pala ni Sanya Lopez ang paggawa ng action projects.       Matatandaan na matagal ding napanood si Sanya sa epic serye na “Encantadia” na talagang todo-action siya roon, pero pagkatapos ay mga drama series naman ang mga ginawa at nasundann ito ng dalawang seasons ng romantic-comedy series na “First Yaya” at “First Lady” […]

  • Pulis na dawit sa 990-kilo shabu na-contempt, kulong sa Senado

    KULONG sa Senado ang pulis na dawit sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu matapos patawan ng contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs.     Hindi nagustuhan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang tila pag-iwas sa katanungan ni PNP-Drug Enforcement Unit Special Ope­rations Unit chief Capt. Jonathan Sosongco, kaugnay sa pagkakasamsam ng […]