Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo.
Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito.
Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya na sa tamang panahon ay maghihilom din ang isyu at magkaka-bonding sa salu-salo ang mga magulang nila ng 32-year-old singer/actress.
Sinasabing bago ang secret wedding nina Matteo at Sarah noong noong February 20, 2020 (02-20-20), kilala ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pagiging bantay-sarado sa celebrity daughter.
“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.
“I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen,” bahagi ng pahayag ni Guidicelli sa vlog ni Toni Gonzaga nitong December 1.
Una nang inamin ng mag-asawa na hindi pa nila plano ang pagkakaroon ng sariling mga tsikiting dahil ini-enjoy pa ang kanilang “honeymoon” stage.
-
Sa bagong anggulo ng dahilan ng paghihiwalay: CARLA, may pera rin sa malaking halaga na na-scam kay TOM
TALAGANG iba rin ang naging closeness ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla na nagsimula nang maging close nang magkapareha sila sa Encantadia. Hindi naputol ang closeness at the same time, sweetness nilang dalawa kahit matagal ng tapos ang fantaserye. At dahil biggest break ni Ruru ang […]
-
MM mayors nagkasundo na huwag nang gawing mandatory ang face shield – Abalos
Nagkasundo na ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face shields, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos. Sa isang panayam, sinabi ni Abalos na sa mga ospital, health centers, at public transportation na lamang nais ng mga Metro Manila mayors […]
-
Dahil sa pinost na dalawang diamond rings: KYLIE JENNER, may tsikang kinasal na sa ‘baby daddy’ niya na si TRAVIS SCOTT
MALAKAS ang bulung-bulungan na kinasal na si Kylie Jenner sa kanyang baby daddy na si Travis Scott. Sa isang pinost na Instagram Story ng reality show star and cosmetic mogul, makikita ang kanyang left hand na hawak ang isang green Hermes Kelly bag ay may dalawang diamond rings. Isang Cartier Love Ring in […]