Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye.
Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang dapat ay magsisimula na silang mag-taping ay nalaman nga ni Marian na she’s on the family way.
Natuloy din ang “First Yaya” pero si Sanya Lopez na ang gumanap dito at katambal din niya si Gabby.
Naging very successful ang “First Yaya” at nagkaroon pa ito ng part two, titled “First Lady” na ginampanan pa rin nina Gabby at Sanya.
Ayon sa lumabas na tsika ang title ng pagtatambalan nina Marian at Gabby ay “Against All Odds”, nagka-casting pa lamang ang GMA ng drama series na gagawin nila.
Ang bagong serye ang magsisilbing acting comeback ni Marian, after more than four years.
Napapanood lamang si Marian every Saturday, hosting the OFW documentary drama series na “Tadnana”, sa GMA-7.
***
NAG-post na si Director Mark Reyes sa kanyang Instagram ng bubuo ng kanyang creative team na naghahanda na para sa pagsisimula ng coming production na “Sang’gre” na spin-off ng “Encantadia.”
Caption ni Direk Mark: “Game on #encantadiks! #sanggre production starts soon”
Last year pa binanggit ni Direk Mark ang update tungkol sa “Encantadia” spin-off project, na ikina-excite na ng mga Enkantadiks. Nasundan pa ito ng post ni Bianca Umali na nagti-training with a pair of arnis sticks. Kaya may mga nagsasabing tiyak na magiging part daw si Bianca ng “Sang’gre” na dating ginampanan nina Sanya Lopez at Diana Zubiri as Danaya sa “Encantadia.”
Ito nga kaya ang sinasabing, after ng “The Write One” na pinagtambalan nina Bianca at Ruru Madrid, Bianca will go solo again sa susunod niyang project sa GMA Network?
(NORA V. CALDERON)
-
Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas
TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig […]
-
National Museum, araw-araw nang bukas simula ngayong 2025
National Museum, araw-araw nang bukas simula ngayong 2025 INANUNSYO ng National Museum of the Philippines na araw-araw nang bukas at may operasyon ang mga museyo simula ngayong 2025 para sa mga nais bumisita dito. Ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng National Museum sa isa sa kanilang mga social media accounts, araw-araw na bukas […]
-
Infected ng COVID sa buong mundo, 18.6-M na – reports
Umaabot na sa 18,691,686 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo. Sa nasabing bilang, 6,013,637 (99%) ang nasa mild condition at 65,437 (1%) naman ang nasa serious o critical condition. Habang ang mga binawian ng buhay ay umakyat na sa 703,374. Samantalang ang mga gumaling ay 11,909,238, matapos ang […]