• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAVY at KYLINE, kinakiligan ng netizens ang photos na kuha sa lock-in taping

KINILIG ang netizens sa mga photos na lumabas nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng I Left My Heart In Sorsogon.

 

 

Nakunan ng video ang eksena nila Mavy at Kyline habang naglalakad sila sa isang beach resort sa Sorsogon.

 

 

Kitang-kita ang kilig ng dalawa habang binibigyan sila ng instructions kunsaan sila dapat maglakad habang nagkukuwentuhan.

 

 

Naka-angkla si Kyline sa braso ni Mavy at ang sweet nilang tingnan. Inamin naman ni Mavy na crush niya si Kyline at napapangiti siya nito parati.

 

 

Tiyak na mas marami pang kilig ang aabangan sa loveteam nila Mavy at Kyline sa ginagawa nilang teleserye.

 

 

***

 

 

NAKUHA na ng Kapuso actor Kevin Santos ang kanyang lisensya bilang isang commercial pilot.

 

 

Pinost niya via Instagram ang kanyang commercial pilot license na nakuha niya noong April 20,2021. Ibig sabihin nito ay puwede nang kumita si Kevin bilang isang paid professional commercial pilot bukod sa pagiging isang private pilot.

 

 

Naging matiyaga si Kevin sa pagbalanse ng kanyang oras sa pag-aaral sa flight school at sa pag-aartista. Sinakripisyo raw niya ang kanyang pakikipagbarkada at paggigimik dahil gusto niyang makatapos at maging isang piloto.

 

 

“Ninety percent nandito. So far, nakaka-survive naman. Yun nga lang, medyo hindi na ko nakakalabas ng bahay. Hindi ako nakakagimik. Wala nang ganoon simula last year pa.

 

 

Wala na kong labas ng bahay kasi focus ng aral and, siyempre, kailangan magtipid dahil sa food and support sa family,” nasabi ng aktor sa 2018 interview niya.

 

 

Dahil sa kanyang tiyaga at sipag sa pag-aaral naka-graduate pa bilang cum laude si Kevin sa kurso niyang Political Science sa Arellano University noong nakaraang March 2021.

 

 

Bukod sa Daddy’s Gurl, mapapanood din si Kevin sa upcoming GMA Primetime teleserye na Legal Wives.

 

 

***

 

 

PANALO ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Bianca Umali sa nagdaang 3rd Laguna Excellence Awards.

 

 

Kinilala bilang Outstanding Male Recording Artist of the Year ang Asia’s Multimedia Star para sa kanyang latest single under GMA Music na ‘Goin’ Crazy’.

 

 

Samantala, ang Legal Wives actress naman na si Bianca ang nanalo bilang Outstanding New Female Recording Artist of the Year para sa single rin niya under GMA Music na pinamagatang ‘Kahit Kailan.’

 

 

Siguradong proud na proud na naman ang fans nina Alden at Bianca sa natanggap nilang awards.

 

 

Congratulations, Kapuso!

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility

    HINIKAYAT  ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.     Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]

  • Valenzuela namamahagi nang learning packets at modules sa mga mag-aaral

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng mga libreng backpacks o school kits na naglalaman ng mga notebook at kagamitan sa paaralan sa lahat ng mga mag-aaral sa kindergarten at elementarya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod na nagsimula noong Agosto 25, 2020.   Kasama ang DepEd-Valenzuela, ang naka-iskedyul na pamamahagi […]

  • Pinas, iginiit ang karapatan na mag-patrol sa Scarborough Shoal sa gitna ng panibagong akusasyon ng Tsina

    MAY karapatan ang Pilipinas na mag-patrol sa  Scarborough Shoal matapos akusahan ng Tsina ang Philippine military ship ng ilegal na pagpasok sa nasabing lugar.  Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang ginagawa ng China  ay“overhyping” ang insidente at pinaiinit  lamang ang tensyon sa Pilipinas. “Under international law, the Philippines has every right to […]