• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAX, nambulabog dahil mabilis na naibalik ang seksing katawan bago siya nabuntis

SUNUD-SUNOD ang pambubulabog ni Max Collins sa pag-post nito sa social media ng kanyang post-baby body pagkatapos nitong manganak last year.

 

 

Eight months na ang nakaraan noong isilang ng Kapuso actress noong July 2020 si Skye Anakin. Pero mabilis na naibalik ni Max ang dati niyang seksing katawan bago siya nabuntis.

 

 

Bukod sa bikini photos na pinost niya sa Instagram noong makapag-beach na siya kasama ang ilang mga kaibigan, pinost ni Max kelan lang sa IG ang isang photo shoot niya kunsaan makikita na achieved na niya ulit ang dating katawan niya.

 

 

Nilagyan ito ni Max ng caption na: “This girl is on fire!”

 

 

Maraming naiinggit na netizens sa post ni Max dahil mabilis daw na naibalik nito ang dating katawan. May iba  kasi, inaabot ng isang taon bago mawala ang tinatawag na baby weight.

 

 

***

 

 

MARAMING beki ang nabitin sa topless photos ni Miguel Tanfelix.

 

 

Nag-post ang Kapuso leading man ng dalawang photos habang nakababas siya sa dagat. Nilagyan niya ito ng caption na: “Breather.”

 

 

Ready na raw ang ilang beki netizens sa ipo-post na topless photos ni Miguel para masilayan ang mga pandesal nito sa tiyan. Pero binitin ni Miguel ang mga abangers dahil lubog sa dagat ang katawan niya.

 

 

Pero may isang fan pa rin na masilip ang abs ni Miguel sa tubig. Nag-comment ito ng: “Nakikita ko ‘yung abs mo sa second pic.”

 

 

Mapapanood si Miguel bilang Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy series. Nag-train pa ang aktor kung paano magpaputok ng baril with the 730th Combat Group of the Philippine Airforce in Nasugbu, Batangas.

 

 

“Kinakabahan ako at first kasi this is my first time na makahawak at makagamit ng totoong baril. Pero, habang tumatagal, mas lalo aking ginaganahan at gusto ko na siya gawin regularly, and possible na maging hobby ko na ang firing,” sey ni Miguel.  (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDu30, pumalag sa isyu na kinokontrol siya ni Sen Bong Go

    TUWIRANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya kailanman kinokontrol ni Senator Christopher “Bong” Go.   Ito ang tugon ni Pangulong Duterte sa naging pahayag ni presidential aspirant at dating Army officer Lieutenant General (ret.) Antonio Parlade Jr. na si Go ay bahagi ng problema ng bansa at kino-kontrol nito ang mga desisyon ng […]

  • Ads July 28, 2021

  • DoT tiwalang lolobo pa ang bilang ng turista sa bansa

    NANINIWALA ang Department of Tourism (DOT) na lalong lolobo pa ang bilang ng mga turista na bibisita hanggang sa huling dalawang linggo ng Disyembre.     Sinabi ni DoT Secretary Christina Frasco, na mula pa noong Enero hanggang sa unang bahagi ng Disyembre ay nasa mahigit dalawang milyon na ang bilang ng turista na bumisita […]