May announcement pa na dapat abangan: DINGDONG, isa sa dream project ang MMFF movie kasama si MARIAN
- Published on May 29, 2023
- by @peoplesbalita
MAY announcement daw ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na dapat abangan.
Hindi pa niya sinabi kung ano ito, although may ideya kami, hindi na namin ipi-pre-empt pa.
Grabe lang si Dingdong ngayon na bukod sa kinailangan na mag-break muna ang “Family Feud”, dahil sabay-sabay talaga ang mga projects niya, may mga unannounced pa siya na gagawin this year at sunod-sunod din ang mga endorsements niya.
Sinigurado naman ni Dingdong na magbabalik ang highest rating game show sa bansa, at break lang talaga. Most likely raw, ang hindi nito makakasabay ay ang bago niyang primetime series na airing na ngayong June, ang “Royal Blood.”
As for “The Voice Generation”, baka ito raw ang makasabay muli ng “Family Feud” for the last quarter. Sinagot ito ni Dingdong kung iniisip man na kaya magbi-break ang Family Feud dahil sa bagong hosting show niya.
Eh, bukod dito, meron pa rin siyang “Amazing Earth”. At ginagawang movie under GMA News and Public Affairs, ang “Firefly.” As for the movie na pagsasamahan nila ni Marian Rivera for MMFF, wala pa raw siyang masasabi rito, pero ayon kay Dingdong, isa ito sa dream project niya.
At ito nga, ang bonggang endorsement niya na Italian brand na POLICE eyewear and watch. Si Dingdong lang naman ang first and only Filipino Global brand ambassador ng brand.
At 40th years na ang POLICE at may event ito sa Japan na dadaluhan ni Dingdong at posibleng makakasama niya ang iba pang brand ambassador tulad ni Liam Hemsworth.
***
NAKAUSAP namin si Max Collins sa mediacon ng bagong sitcom ng GMA-7, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kunsaan, tila may “triangle” sila nina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.
Nilinaw naman ni Max na hindi naman kontrabida ang role niya sa sitcom. Sabi namin dito, e, bida siya sa halos lahat ng ginagawa niyang teleserye sa network.
“Dito sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, I play the role of entrepreneur, isa siyang fashionista na medyo may pagka-down-to-earth at sa isang event, makikilala niya si Tolome (Bong) and do’n siya magkakaroon ng feelings para sa kanya kasi, sinave siya ni Tolome.
“Pero, hindi siya kontrabida, parang isa siya sa mga obstacles na pagdadaanan ng couple. You will see,” sey naman niya.
Sa teleserye naman, may naka-line-up na raw siya, pero ayaw muna raw niyang magpa-una na mag-announce.
Natatawang sabi naman ni Max, kahit daw sa social media niya tulad ng Instagram account niya na parang palagi siyang nasa iba’t-ibang lugar, ang totoo raw, madalas na taong bahay lang din naman siya.
“I go everywhere, but really, I’m just at home. But for me, social media is very much like a branding tools. I like to show people that I have a colorful world, but really, I’m just in Manila with my son.
“Pero gano’n po ang labanan ngayon, updated. But yes, I’m really in Boracay most of the time.”
Sa mga hindi nakakaalam, Max is really from Boracay kaya may family at business din daw siya ro’n. Sa isang banda, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay ngayong June 4 na ang pilot airing.
(ROSE GARCIA)
-
WALANG PANGIL SA POGO
PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa […]
-
Janella, nag-explain sa regalong ‘tinapa’ ng isang fan: JANE, malaki ang pasasalamat sa buong journey niya bilang ‘Darna’
NASA huling dalawang Linggo na lamang ang “Darna” ng ABS-CBN at magpi-finale episode na ito. Malaki ang pasasalamat ni Jane de Leon na sa buong journey niya ng pagiging Darna at pagkakagawa nito. Sabi nga niya, “Kung walang Darna, wala po ako kung nasaan ako ngayon.” Unaffected lang […]
-
US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies
INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong. Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan […]