May covid o wala, tuloy ang takbo ng ekonomiya- Sec. Roque
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
“Covid or no Covid tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang 10 million Fully Vaccinated Filipinos sa 5th Level Megatrade Hall, SM Megamall noong Huwebes, Agosto 5.
“Bukas magsisimula naman po tayo ng ECQ. Ngunit hindi po ibig sabihin na magsasara ang Pilipinas, giit ni Sec. Roque.
Ngayon aniya ay “we have reached a very important milestone in our national vaccination program.”
Kung dati-rati aniya ay nagkukumakahog ang bansa kung saan kukuha ng bakuna ngayon ay mayroon ng 10 milyong Pilipino na meron nang full protection laban sa kalaban ng Covid-19.
“Palakpakan po natin ang buong sambayanang Pilipino,” anito.
Hindi rin aniya ito nangangahulugan na hihinto ang bakunahan, sasamantalahin aniya ng pamahalaan ang ECQ para lalo pang mapabilis ang pagbabakuna.
“At inaanunsyo ko po muli na gaya ng hiningi ni Chairman (Benhur) Abalos binigyan po ng national government ang Metro Manila ng 4 million additional jabs para gamitin during ECQ,” aniya pa rin.
“At bulong nga po sa akin ng aking pinsan na si Secretary Duque, eh kapag nangyari po ito, malapit na tayo dumating sa punto na ang buong Metro Manila will achieve 50 percent fully-vaccinated population, siguro po pagkatapos na pagkatapos ng ECQ. Palakpakan po natin ang Metro Manila,'” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Importante aniya na patuloy ang pagbabakuna dahil ito ang magsisiguro na ang lahat ay makakapagbalik sa trabaho, makakabalik sa pamilya at makakabalik sa dating mga buhay.
Layunin aniya ng gobyerno na makapaghanapbuhay ang mga mangggagawa.
Ito rin aniya ang magsisiguro na kahit nandiyan ang coronavirus ay hindi masisira o matitigil ang mga serbisyo ng pamahalaaan.
“Salamat sa po ating mga katuwang. Unang-unang, kung wala sila walang mag-i-implement ng kahit anong programa at polosiya ng IATF, ang ating lokal na pamahalaan. Palakpakaln po natin ang ating lokal na pamahalaan'” lahad ni Sec. Roque.
At siyempro aniya, kung wala rin ang pribadong sektor, hindi rin aabot sa puntong ito.
Hiniling ni Sec. Roque na palakpakan ang pribadong sektor.
“Ingatan po natin ang ating mga buhay para tayo’y makapaghanapbuhay. Balik buhay po tayong lahat dahil sa bakuna. Maraming salamat at mag-ingat po tayong lahat. Magandang umaga sa inyong lahat'” ani Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads September 10, 2021
-
Comelec, aprubado na ang pamimigay ng LTFRB ng fuel subsidies sa mga drivers at operators
PINAHIHINTULUTAN na ng Commission on Election ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na ipagpatuloy ang pagpapalabas ng fuel subsidies para sa mga apektadong drivers at operators bunsod ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Nauna nang nagsumite ng aplikasyon ang LTFRB para sa exemption mula sa Comelec […]
-
DSWD: P935 milyong educational ayuda, naipamahagi na
UMAABOT na sa mahigit P935 milyong halaga ng educational assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit 370,000 student beneficiaries mula ng ipinatupad ang naturang programa. Ayon kay DSWD Undersecretary Jerico Javier, hanggang noong Setyembre 10, aabot na sa P935,971,800 ang kabuuang halaga na naipamahagi nila sa […]