• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May iri-reveal pa sa part 2 ng interview: PAOLO, napaiyak ni BOY nang tanungin tungkol sa tatlong anak

INIYAKAN ni Kapuso actor Paolo Contis ang interview sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa mga anak niya sa previous marriage niya, kay Lian Paz, na may dalawa silang anak, sina Xonia, 12 at Xylene, 11.  

 

 

Inamin ni Paolo na matagal na siyang walang communications sa mga anak, for almost sevcn years na.  Ganoon din sa anak nila ni LJ Reyes, na hindi na niya nakita nang umalis sila patungong New York, almost two years ago.

 

 

Inamin din ni Paolo na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak niya, may reasons daw siya why, pero may savings siya sa bawat isa sa kanila, at gusto niyang ibigay iyon nang personal sa mga anak.

 

 

Takot siyang mawala ang mga anak sa kanya, especially sina Xonia at Xylene, dahil hindi lumaki ang mga ito sa piling niya, kaya labis ang pasasalamat ni Paolo sa stepfather nila, si John, mabait daw ito.  Gusto niyang kung magkakausap sila, kahit maging like friends lamang sila.

 

 

Lalong napaiyak si Paolo nang banggitin si Summer, dahil ang character daw ng anak ay parang tulad niya, maloko raw si Summer at lagi niyang kasama noon sa shooting o taping niya, kaya masakit sa kanya nang umalis sila nang pabalik pa lamang siya from Sorsogon, after niyang mag-taping ng “I Left My Heart in Sorsogon,” kaya hindi na niya nakita ang anak.

 

 

Magkakaroon ng continuation ang interview ni Boy kay Paolo ngayong hapon, 4:05 pm, sa GMA-7.

 

                                                    ***

 

MAINITBang pagtanggap ng mga tao kina Barbie Forteza at David Licauco, ng new FiLay loveteam ng historical fantasy portal series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.” Unexpected kasi ang pagtanggap sa kanila ng mga netizens sa mga roles nilang ginampanan na nagti-trending gabi-gabi ang mga pakilig na away-bati nilang dalawa bilang Klay at Fidel.

 

 

At dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila, sina Barbie at David ang kinuhang official celebrity endorser ng bestselling whitening products ngayon sa market, ang Ishin, na pag-aari ng young power couple na sina Mario Miguel at Shirleen Bautista.  Inamin ng CEO na si  Shirleen sa launch ang contract signing ng product,  na bukod sa pagtanggap ng mga tao sa kanila, nagustuhan niya ang angelic face ni Barbie at ang Korean look naman ni David.

 

 

Kaya sa success ng loveteam, hindi maiwasang mag-request ang fans na sana raw ay maging real love team din sila, pero hindi naman pwede dahil alam na ng lahat na may boyfriend na si Barbie, si Kapuso actor Jak Roberto.

 

 

Kaya si Barbie naman ay agad nagsabing ayaw niyang bigyan ng false hope ang mga fans, dahil sa kabila ng lahat, for the past five years ay kasama na niya si Jak, nasasabihan ng mga personal struggles niya and one whom she has share her victories.

 

 

Ayon naman kay David, napakalaki ng respeto and he admires Jak, at kahit daw kay Barbie nasasabi niyang napakabait na tao ni Jak, dahil nakasama na niya ito nang gawin niya ang “Heartful Café” na kasama rin nila si Julie Anne San Jose at nag-guest din doon si Barbie.  Alam daw niya ang boundaries niya as a person.

 

 

Thankful naman sina Barbie at David sa pagkuha sa kanila as Ishin celebrity endorsers dahil talaga raw malaking tulong sa kanila ang ini-endorse nilang product.

 

Nalalapit na nga ang pagtatapos ng “Maria Clara at Ibarra” at papasok na ang serye sa ikalawang aklat na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang “El Filibusterismo,” kaya magkakaroon na ng changes sa mga characters ng cast at may mga bagong madadagdag na characters.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Kilig na kilig ang aktres at siguradong iiyak nang husto: JOMARI, pangarap na makitang ‘walking down the aisle’ si ABBY

    INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya.     Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner.     Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na […]

  • Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

    SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.     Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumang  pangangailangan ng […]

  • 5-milyong target sa ‘Bayanihan Bakunahan’ di naabot

    AMINADO ang gob­yerno na mahirap nang maabot ang target na 5 milyon na mababakunahan laban sa COVID-19 sa isinasagawang ‘Ba­yanihan Bakunahan 3’ na pinalawig hanggang ngayong araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hanggang kahapon ay nasa 2.6M pa lamang ang nababakunahan.     “Medyo matumal pa rin… Kailangan paspasan pa. Baka […]