May pagbaba sa mga krimen sa bansa…n‘OUR STREETS ARE SAFE’ – PNP
- Published on April 17, 2025
- by @peoplesbalita
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na “our streets are safe” matapos na igiit nito na may pagbaba sa mga krimen sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, tinugunan ni P/Maj. Gen. Roderick Augustus B. Alba, PNP Director for Police Community Relations, ang mga pananaw o persepsyon at mga alalahanin ukol sa mataas na crime rate sa bansa. Winika ni Alba na ang ebalwasyon ng PNP ay base sa beripikadong crime statistics, at hindi sa public perception o political messaging. Iniulat din nito na mula Enero hanggang Abril 2025, ang mga insidente ng krimen ay bumaba ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong nakarang taon. Ang naging tugon ni Alba na “our streets are safe,” ay sagot sa tanong kung nananatiling ligtas na bumiyahe sa gitna ng report ng tumataas na crime incidents. “Definitely. Of course, from time to time, mayroon tayong mga crimes na naging highly sensationalized na hindi kaagad masolve. But these are acted upon immediately and for us (they do) not represent the entire situation of our country,” ani Alba. “Sa amin po sa PNP, tuloy-tuloy lang po ang aming kampanya against all forms of lawlessness,” aniya pa rin. “We stick with the reality—what we have now—iyong aming data,” ang tinuran ni Alba. “We respect the perception of our communities. But we speak of our duties na dapat naming pinapatupad. We shouldn’t be affected by negativities kung mayroon man,” ang sinabi pa rin ni Alba. (Daris Jose)
https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_33_26-PM.jpg
-
Valenzuela LGU, DTI tinuruan ang market violators
NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang Department of Trade and Industry ng dayalogo sa mga tindero at market violators para maturuan ang mga lumalabag sa pamilihan tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyong namamahala sa mga timbangan at panukat sa mga wet market. Binibigyan-diin nito ang […]
-
PNP, magpapatupad ng gun ban sa pangalawang SONA ni PBBM
NAKATAKDANG magpatupad ng gun ban ang Philippine National Police sa pangalawang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang naturang SONA ng punong ehekutibo ay gaganapin sa House of Representatives sa darating na July 24. Ayon sa Philippine National Police, magsisimula ang implementasyon ng naturang gun ban alas […]
-
Pinas, atrasado sa paggamit ng modernong teknolohiya- DTI
INAMIN ng DTI na atrasado ang bansa sa paggamit ng modernong teknolohiya. Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, kailangang itulak ang paggamit ng AI sa negosyo lalo na sa MSMEs. Hindi layon nitong palitan ang tao kundi itaas ang productivity. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang AI ay makakatulong sa decision-making, at sa pagsasaayos […]