• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May payo sa mga artistang papasok sa politika: COCO at JULIA, makakasama si Sen. LITO sa movie ni Direk BRILLANTE

NARANASAN ni Mrs. World Philippines Meranie Gadiana Rahman ang bagsik ng Super Typhoon Odette nang magkaroon siya ng outreach program in her hometown Cagayan de Oro. 

 

 

Sa interview sa kanya ng media during her send-off party on December 26, sinabi ni Meranie na ang Super typhoon Odette ang pinakamatinding bagyo na kanyang naranasan.

 

 

      “I was really scared! Much more for my son and family! It’s the worst typhoon I’ve ever experienced!” pahayag niya.

 

 

Nanawagan ang Hawaii-based beauty queen sa publiko na tumulong sa mga typhoon victims. Kailangan ng tulong ng mga biktima mula sa international community.

 

 

      “They need food, shelter and rebuilding. Their stories need to be told in the international community, yun ang kailangan,” sabi pa ni Meranie.

 

 

Ibinahagi rin ni Meranie na maging ang kanilang falcata tree plantation ay nasira rin ng bagyo.

 

 

“My parents are into farming also. We planted these trees to harvest them in their maturity after eight years but everything went down with the typhoon,“ himutok ni Rahman.

 

 

“I don’t want to complain because there’s already so much suffering sa mga kababayan natin. I just want to help! That is my purpose,” dugtong pa niya.

 

 

Meranie is vying to become the country’s first winner of Mrs. World. The pageant will be held on Jan. 15, 2022 in Las Vegas, USA.

 

 

***

 

 

SI Senator Lito Lapid ang kinuhang endorser ng Pinuno Partylist para makakalap ng maraming boto sa Mayo 2022.

 

 

Ang senador na tubong Pampanga ay kilala sa tawag na Pinuno, ang karakter na kanyang ginampanan sa top-rating action serye na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Umaasa naman siya na sa tulong ng entertainment press ay makatutulong para manalo ang Pinuno Partylist sa Mayo.

 

 

Ang isa sa programang ninanais isulong ng Pinuno Partylist ay pabahay para sa lahat ng tao, kahit pa low-income earner ka.

 

 

May payo naman si Sen. Lapid sa mga artistang nagnanais pumasok sa politika.  Sabi niya na sana raw na may alam ito sa paggawa ng mga batas na makatutulong sa mga tao.

 

 

Ibinalita rin ni Sen. Lito na may ginagawa siyang movie with Direk Brillante Mendoza titled Apag kung saan kasama niya sina Coco Martin at Julia Montes.

 

 

First movie ito ni Sen. Lito with the Cannes award-winning director.

 

 

***

 

 

NAGSISISI kaya ang mga producers na nag-join ng 2021 Metro Manila Film Festival?

 

 

Mahina raw ang kita ng festival at mas lalo pang hihina ito dahil ibinalik sa Alert Level 3 status ang Metro Manila.

 

 

Kaya from 50 percent seating capacity ng mga sinehan, ibababa pa ito sa 30 per cent. Magkano na lang ang kikitain ng mga producer?

 

 

Kasi naman nag-spike ang dami ng Covid-19 cases. Hindi kasi naging maingat ang mga tao nang ibaba ang Alert Level.

 

 

Sana naging cautious ang publiko na bagamat ibinaba ang Alert Level, nariyan pa rin naman ang Covid-19.

 

 

So paano mo pa mahihimok ang publiko na lumabas at manood ng sine? Sayang na pagkakataon.

 (RICKY CALDERON)

Other News
  • Pinakilala na si Carla sa buong pamilya sa Amerika: WIL, nagsalita na tungkol sa pagkaka-engage ng ex-gf na si ALODIA

    OPEN na ang ‘Lolong’ actress na si Arra San Agustin sa kanyang relasyon sa PBA player na si Juami Tiongson.     Si Juami ang naging date ni Arra sa naganap na GMA Thanksgiving Gala. Iyon daw ang first time na makita silang dalawa sa isang public event.     Sey ni Arra sa relasyon […]

  • Mayoral bet Sara Discaya patuloy ang ayuda sa Pasigueño

    LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños.     Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang ba­lita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.   “Wala […]

  • PDu30, pinasinayaan ang CCLEX sa “historic day”

    PINASINAYAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang iconic Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa pamamagitan ng unique car ribbon-cutting ceremony sa gitna ng tulay.     Sa halip na pagputol sa ribbon gamit ang tradisyonal na gunting, pinaandar ang Presidential vehicle sa ribbon sa gitna ng tulay, simbolo na ang tulay ay magiging expressway para sa […]