May sarili na ring vlog, ang ‘Glad To Be With You!’: GLADYS, may pagbibidahang serye at dalawang Netflix films
- Published on January 31, 2025
- by Peoples Balita

Kaya kahit usung-uso na ang iba’t-ibang social media na meron din ang mga celebrities bukod sa mga content creators at bloggers, tahasan pa ring sinabi ng Primera Kontrabida na kailangan pa rin niya ang tulong ng kanyang media friends.
Kaya naman kung may pagkakataon at nagpapatawag siya ng get-together na siya mismo ang punong abala. Mula sa personal na pag-iimbita sa kanyang mga kaibigang manunulat, hanggang sa pagpi-prepare ng giveaways, at pagho-host ng event.
Last Tuesday, January 28 ay nag-invite siya sa kanilang resto ng asawa at chef na si Christopher Roxas sa ‘That’s Diner’ Sta. Lucia, Cainta branch. Meron din silang branch sa San Pedro, Laguna.
Sa wakas natikman na rin namin ang ipinagmamalaking specialty ng resto, na iba’t ibang luto ng bulalo, na ang karneng baka ay mula pa sa Batangas, kaya siguradong malambot, masarap at makatas.
Lumabas nga ang kahusayan sa pagluluto ng mister ni Gladys. Kaya naman may iba’t ibang twist ang mga inihahain nila sa amin, bukod sa classic na bulalo supreme, na puring-puri ni Eugene Domingo.
Na-enjoy namin ang bulalo kare-kare na naka-mix na ang bagoong, na sini-serve sa sizzling plate. Ang sarap-sarap, promise, dahil saktong-sakto na ang timpla.
Meron ding bulalo sizzling at bulalo sinigang, pero type namin tikman next time ang bulalo kansi.
Winner din ang grilled bangus na may pagpipilian toppings, with Bicol express or katakam-takam na Laing, na parehong pinasarap ng coconut cream ng American Garden.
Pinatikim din ang kanilang version ng dinakdakan, na parang sisig ang dating. Pagbabahagi pa ni Gladys, gustung-gusto raw ito ni Vice Ganda dahil authentic ang lasa.
Anyway, masayang-masaya si Gladys dahil maganda ang pagpasok ng 2025 sa kanyang showbiz career.
May teleserye na siya sa GMA 7, ang ‘Cruz vs. Cruz’ na kung saan first time niyang makakasama ang nagbabalik-Kapuso na si Vina Morales. Kaya kaabang-abang ang mga intense scenes nila.
Pa-trivia pa ni Gladys, nagkasama na rin Tope at Vina noong bata pa sila, sa pelikulang ‘Maging Sino Ka Man’ nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
May dalawang Netflix movie siya na ipalalabas, na hindi pa puwedeng I-reveal kung anu-ano ito.
Pero isa pa sa ikinatutuwa ng premyadong aktres, ay ang pagkakaroon niya ng sariling vlog sa kanyang Gladys Reyes Channel sa YouTube.
Caption niya, “Welcome mga ka Gen-C! As in Generation Clara! This is my very first vlog episode!!! GLAD TO BE WITH YOU!”
Ang guests niya sa first episode at Ate Uge niya at bff na si Carmi Martin. In-upload ito last January 17 at may 107k plus views na agad.
Aminado naman si Gladys na medyo late na raw siya sa pagba-vlog, na dapat daw last year pa niya sinimulan.
Pero ngayon ay pinaghandaan na niya ang mga content na kanyang ilalabas at maging engaging at susubaybayan nang makakapanood.
Pinakita sa teaser ng vlog ang interview niya si Maricel Soriano, na talagang kaabang-abang ang kanilang mga eksena. Kasama rin sa pinakita si Ryan Bang, at ang mag-asawang Doc Rob at Patricia Javier.
Dagdag pa niya, “may request din sa one-on-one namin ni Christopher, na ang mga anak namin ang magtatanong, na very personal.
“Of course with Judy Ann (Santos), with Angelu (de Leon), with Claudine (Barretto) at marami pang iba.”
For sure, magki-click din ang kanyang vlog na ‘Glad To Be With You!’.
Kaya mag-subscribe na at I-share ang kanyang YouTube channel.
(ROHN ROMULO)
Other News
-
Ads October 2, 2024
-
Call center agent tumalon mula sa 3rd floor ng bahay, patay
NASAWI ang 22-anyos na dalagang call center agent matapos umanong tumalon mula sa bubong ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San […]
-
Malabon LGU, inilunsad ang ‘cleanest barangay’
UPANG isulong ang kalinisan at diwa ng “Bayanihan” sa mga komunidad sa Malabon City, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang “Search for the Cleanest Barangay 2025” kung saan ang barangay na mananalo ng unang cash prize ay tatanggap ng isang milyong peso. “Isang patimpalak para sa dalawampu’t isang barangay kasabay ng ating layunin na mas gawing malinis, […]