• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor ISKO, mas maganda na tapusin ang full term bago tumakbo bilang Pangulo

NANUMPA na si Manila Mayor Isko Moreno bilang party president ng Partido Demokratiko noong nakaraang linggo.

 

 

Ibig sabihin ba nito ay tatakbo siyang president next year bilang standard bearer ng partido na binuo ng yumaong senador na si Raul Roco?

 

 

Hindi pa naman nagdedeklara ng kanyang candidacy si Yorme Isko pero kung kami ang tatanungin, mas gusto namin na mag-seek siya ng election bilang mayor ng Maynila.

 

 

Nasa first term pa lang niya si Isko bilang Manila Mayor pero marami na siyang nagawa para ayusin ang lungsod. Mas gusto namin that he seek reelection para maituloy niya ang mga magaganda niyang projects.

 

 

Mas gusto namin na tapusin ni Isko ang full term niya as Mayor para ma-implement niya lahat ng kanyang mga plano for the good of the city.

 

 

If he does good in Manila, yun ang magandang passport niya sa presidency sa 2028. Magaganda ang projects tulad ng mga condo para sa mga informal settlers, mga bagong school buildings, maayos na pamamahagi ng ayuda at bakuna. Nakapagpagawa pa siya ng field hospital.

 

 

Maganda ang ginagawa niyang pagpapatakbo sa Maynila kaya dapat may continuity ang mga ito. Huwag niyang sayangin ang momentum. Habang malakas siya sa mga taga-Maynila, we suggest na ituloy niya ang panunungkulan bilang mayor.

 

 

Sayang naman ang kanyang nasimulan na kung hindi ito maipagpapatuloy.

 

 

We believe na mas kailangan siya ng Maynila sa ngayon. Bata pa naman siya. He can seek the presidency later.

 

 

Mabuti rin naman na marami ang nagtanggol kay Mayor Isko sa paninira sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte.  Bagamat hindi siya pinangalanan, very obvious naman siya ang target nang paninira.

 

 

Nakahanap ng kakampi si Mayor Isko kina VP Leni Robredo,Cavite Governor Jonvic Remulla at Senator Ralph Recto na ipinagtanggol siya sa paninira ni Digong.

 

 

***

MAY bagong twist na naman sa favorite show namin na Huwag Kang Mangamba.

 

 

Hinuli si Barang (Sylvia Sanchez) at dinala sa isang mental health facility, na hindi alam ng mga anak-anakan niyang sina Joy (Francine Diaz) at Mira (Andrea Brillantes).

 

 

Posibleng mapahamak si Barang kung hindi siya mahahanap nina Joy at Mira dahil may eksena sa trailer ng Huwag Kang Mangamba na nakakulong siya at tinuturukan ng gamot.

 

 

Nakagugulat din na pumayag si Enchong Dee (who plays a priest) na i-give up ang pagpapatayo ng simbahan kaya may conflict kina Mira at Joy.

 

 

Siyempre pa, tuwang-tuwa naman ang mga kontrabida na sina Eula Valdez at Mercedes Cabral dahil tila umaayon sa kanila ang mga pangyayari.

 

 

Pero naniiwala pa rin kami na sa huli ay mabibisto ang pagiging fake healer ni Eula at lalabas ang totoo na sila ang pumatay sa nanay nina Joy at Mira.

 

 

Huwag kaligtaang panoorin ang Huwag Kang Mangamba kung saan ang husay-husay ni Sylvia sa kanyang role bilang si Barang.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PH gov’t lumagda ng deal para sa 30-M doses

    Lumagda na ng ikalawang kasunduan para sa COVID-19 vaccine supply ang pamahalaan ng Pilipinas.   Nitong Linggo, kinumpirma ng Faberco Life Sciences Inc., na pumirma ng “term sheet” ang gobyerno para sa 30-million doses ng bakunang dinevelop ng Serum Institute of India (SII).   “The Philippine government, Serum Institute of India, and Faberco Life Sciences […]

  • Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC

    “KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.” Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko.   Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon […]

  • Devin Booker, out na sa training camp ng Phoenix Suns dahil sa ‘health at safety protocols’ ng NBA

    Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.     Kung maalala ang 24-anyos na si Booker ay naging malaki ang papel upang pangunahan ang Suns sa […]