• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko, umaasang mababakunahan na bukas ng Sinovac

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na magpapabakuna siya ng Sinovac laban sa Covid-19.

 

Umaasa ang Alkalde na mababakunahan na siya ng Sinovac ngayong  araw ng Martes.

 

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ng Alkalde na hindi na siya maghihintay pa ng ibang brand ng bakuna at hindi rin aniya siya magbabakasakali pa.

 

“Ako mismo ay magpapabakuna ng Sinovac. Hindi ako maghihintay, hindi ako magbabaka-sakali at hindi ko pababayaan o ikikibit-balikat ang bigat ng eksperiyensa ng mga na-infect ng COVID-19. Once it is available, we will acquire but we will follow the rules. We will not violate it. And I hope by tomorrow, I’ll get vaccinated of whatever is the remnant of available Sinovac vaccine for the City of Manila,” ayon kay Mayor Isko.

 

At sa tanong naman kung handa na ba ang mga Manileno na magbakuna ng Sinovac ay sinabi nito na “sabi po ng DOH ang Maynila po ay pumasa – in fact we got about 90% na approval sa aming plano. So we are ready to vaccinate. Ang kailangan na lang namin, dumating sa amin ang bakuna.”

 

 

Sa ngayon aniya ay may 90,000 pre-registered sa ilalim ng  manilacovid19vaccine.com ang Lungsod ng Maynila.

 

“Now—but before we go to that general population, we will continue to follow the directive of IATF that the vaccine that are available in Manila today and in the coming days will be dedicated to our medical frontliners. And kung sakali na mayroon pa rin matitira at hindi pa nagdesisyon iyong ibang medical frontliners, gagamitin naman namin ito sa mga economic drivers ng ating bansa—o ng siyudad ‘no – katulad ng mga, halimbawa driver, vendor sa palengke, mga workers and all other economic drivers after namin ma-fulfill iyong requirements ng IATF,” lahad nito.

 

Samantala, ibinalita naman ni Mayor Isko na makatatanggap bukas ang Sta. Ana Hospital sa pamamagitan ni Director Corrales at ng IATF at DOH ng share para sa medical frontline ng Lungsod ng Maynila.

 

“Now ang good news if I can share it to you, I think as of yesterday, we have about 300 plus medical frontliners that are willing to get vaccinated through Sinovac,” pagtiyak ng Alkalde. (Daris Jose)

Other News
  • Lahat ng POGO dapat sarado na ngayong Disyembre – PAOCC

    TITIYAKIN ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sarado na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa hanggang katapusan ng ­Disyembre 2024 matapos bawiin na ang lisensiya ng mga natitira pang POGO nitong Linggo, Disyembre 15.       Sinabi ni PAOCC ­executive director Gilbert Cruz, na batay sa record ng PAGCOR, […]

  • Ex-US first lady Hillary Clinton nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating US first lady Hillary Clinton.     Sa kanyang social media account ay kinumpirma ng dating secretary of state at two-time presidential candidate na ito ay dinapuan ng nasabing virus.     Nagpasalamat na rin ito dahil bakunado na siya laban sa COVID-19 kaya hindi siya gaanong nakaranas ng matinding […]

  • Meet the Forgers! Big-hit anime film “Spy x Family: Code White” opens at No. 1 in Japan

    Japan goes waku-waku~ as Spy x Family: Code White opened at No. 1 in Japan during the 2023 December holiday weekend, and continued its No. 1 streak for three weeks, earning 4.41 billion yen. Get to know the undercover family before the hit movie makes its way to Philippine theaters on March 13.     […]