• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas, DA lumagda sa MOA para sa Enhanced Kadiwa

NAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Department of Agriculture (DA) para palakasin ang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

 

 

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary for Consumer Affairs na si Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement noong Nobyembre 21.

 

 

Sa ilalim ng MOA, ang Navotas ay tatanggap ng P5,000,000 na gagastusin sa paggawa ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.

 

 

Ang dating tulong pinansiyal ng Kadiwa mula sa DA ay ginamit sa pagbili ng mga lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda, na ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryong mangingisda.

 

 

“Our fisherfolk also served as modern day heroes, especially at the height of the pandemic. While many establishments stopped operations, they continued to provide food on our table,” ani Tiangco.

 

 

“We want to give them as much support as we can to uplift their livelihood and help them secure a stable source of income,” dagdag niya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng NavoBangka ay sumasailalim sa pagsasanay sa paggawa ng bangka, pagkukumpuni, at maintenance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Pagkatapos ng pagsasanay, gumawa sila ng sariling bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng lokal na pamahalaan at iba pang gamit mula sa BFAR. (Richard Mesa)

Other News
  • Ang ama at ina ang kanyang superheroes: SARAH, ‘di nakalimutan batiin si Mommy DIVINE noong ‘Mother’s Day’

    SA Instagram post ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo noong Mother’s Day, ‘di nakalimutan ng mang-aawit na magbigay-pugay sa mga magulang, lalo na sa kanyang Mommy Divine.     Kasama ang dalawang larawan, may caption ito ng, “Superheroes ng buhay ko. I love you nanay at tatay ko.”     “Happy Mother’s day po […]

  • Nawalan ng interes si Derek Ramsey kay Andrea Torres dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol”

    Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30.   Sweet pa sila sa isa’t isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network.   Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila.   […]

  • Kaabang-abang ang special guests sa Season 2: MIGUEL, ipinagmamalaki ang pilot episode ng ’Running Man PH’

    IPINAGMAMALAKI ni Miguel Tanfelix ang pilot episode ng ‘Running Man Philippines Season 2.’     “Proud ako sa naging outcome ng Running Man dahil unang-una, pinaghirapan po namin and pangalawa, masaya po kami noong buong 43 days,” saad ni Miguel.     Happy rin si Miguel dahil may bagong pamilya nabuo na kasama siya; solid […]