Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.
Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executives ay itinuturing na essential frontliners na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
“Matagal niyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution niyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor REX matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.
“Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.
Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health workers na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.
As of April 7, Valenzuela City records 1,006 active COVID-19 cases Total of confirmed cases in the City are at 13,883 with 12,537 recoveries and 340 deaths.
Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligats na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan niyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.” (Richard Mesa)
-
Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na
LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China. Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China. […]
-
Ads March 31, 2021
-
PAUL RUDD, napiling ‘People’s Sexiest Man Alive’ ng 2021 at ‘di ang nag-leak na si CHRIS EVANS
ISANG Marvel superhero ang napiling People’s Sexiest Man Alive of 2021. Hindi si Captain America Chris Evans ayon sa kumalat na leak, kundi si Ant-Man na si Paul Rudd. In-announce sa talk show na The Late Show with Stephen Colbert ang pagpili kay Rudd at pinakita na ang official cover ng […]