• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Sara itinuloy ang pagtakbo sa pagka-VP

Nagdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa susunod na taon kasunod na rin ng panawagan ng kanyang mga supporters na magsilbi para sa bansa.

 

 

Ayon sa presidential daughter, nagdesisyon na siyang huwag nang sumali pa sa presidential bid, patunay na rito ang kanyang paghahain ng certificate of candidacy para sa kanyang reelection bid noong nakaraang buwan.

 

 

Subalit hindi aniya tumitigil ang kanyang mga supporters sa paghimok sa kanya na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections.

 

 

“Nagdesisyon na ako na huwag tumakbo pagka-Pangulo ng Pilipinas. Subalit wala pa ring humpay ang inyong mga panawagan kahit na pagkalipas ng ikawalo ng Oktubre,” ani Duterte-Carpio..

 

 

“I have thousands of supporters who cried last October 8 and I cannot find it in my heart to make them cry again on November 15,” dagdag pa niya.

 

 

“After the deadline, the offer to run for Vice President became an opportunity to meet you halfway. It’s a path that would allow me to heed your call to serve our country, and would make me a stronger person and public servant in the years that lie ahead,” giit ni Mayor Sara.

 

 

Nobyembre 13, ipinadala ng alkalde ng Davao City ang kanyang kinatawan para maghain ng kanyang COC sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas CMD.

 

 

Pinalitan niya si Lyle Uy na nauna nang binawi ang kanyang COC.

 

 

Ang paghahain ni Mayor Sara ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente ay nangyari dalawang araw matapos naman siyang manumpa bilang bagong miyembro ng Lakas CMD.

 

 

Ito ay kasunod nang nang anunsyo ni Hugpong ng Pagbabago secretary general Anthony Del Rosario na nagbitiw na si Mayor Sara sa kanilang regional party.

Other News
  • Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

    NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.     Buwena-manong kompetisyon pa lang […]

  • Italya mapagkukunan ng mga basketbolista

    HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon.   Ilista na rin ang Italya.   May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021.   Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera […]

  • Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

    Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.     Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]