• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela

BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.

 

 

Ang bawat pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation site at ganap na nasira ang mga bahay ay nakatanggap ng cash assistance na PHP 10,000 mula sa lokal na pamahalaan habang ang mga bahay ng mga pamilyang bahagyang nasira ay tumanggap ng PHP 7,000 bawat isa. Bukod dito, nagbigay din ang opisina ni Senator WIN ng PHP 5,000 kada pamilya.

 

 

Ang cash support na kanilang natanggap ay ang kanilang fueling boost upang makahanap ng matitirhan o makabili ng mga materyales para muling makapagtayo ng kanilang mga nasirang bahay.

 

 

Nabatid na umabot sa 74 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa naturang barangay kung saan wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nasabing insidente habang tinatayang umabot sa PHP 200,000 ang halaga ng ari-arian na napinsala.

 

 

Maliban sa cash aid, nagbigay din ang Department of Welfare and Development Office (DSWD) ng Family Kits na naglalaman ng clothes para sa mga bata at matatanda, slippers, bath towels, underwear, at short pants.

 

 

Personal na binisita ni Mayor WES ang mga nasunugan upang tingnan kung ano pa ang maibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan.

 

 

“Alam kong mabigat po ang pakiramdam na mawalan ng mga kagamitan, pero ang importante sa lahat ay buhay tayo – ang ating mga anak ay buhay, ang ating mga magulang, pati po ang mga senior citizen po natin ay nasa maayos pong kalagayan. Ang iba pong pangangailangan na materyal, ‘wag po kayong mag-alala [dahil] nandito po ang lokal na pamahalaan na palagi pong sumusuporta sa inyo.” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • VP Sara umayaw na sa confidential fund

    HINDI  na ipipilit pa ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakaroon o pag­hingi ng confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa 2024.     Ito ang kinumpirma kahapon ni VP Sara sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang social media pages.   […]

  • Webinar ukol sa Financing PH shock-responsive social protection, isinagawa

    NAGSAGAWA ang House Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) at UNICEF Philippines ng knowledge sharing webinar na pinamagatang “Lessons on Financing Shock-Responsive Social Protection in the Philippines.”     Sa pagbubukas na pahayag, sinabi ni CPBRD Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. na nagsasagawa na ang House Secretariat ng mga rekomendasyon para […]

  • Naiyak at natakot sa ilang misyon sa ‘Running Man PH’: KOKOY, hindi inaasahan na malalasing kasama si ANGEL

    LALO pang pinainit ng mga sexy hunks ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys of Summer.   Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball.   May kanya-kanya nga raw na […]