Mayroong parameters bago maibaba sa MGCQ ang quarantine classification
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa.
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding makita ang kakayanan ng mga local government unit pagdating sa gatekeeping indicators kung saan kasama dito ang surveillance capacity, isolation and quarantine capacity, testing capacity at ang kanilang kapasidad na kontrolin ang kaso ng Covid-19.
Ang mga mahahalagang aspetong ito ang dapat na makita sa mga lokal na pamahalaan upang masigurong maipatutupad ang pagluluwag ng klasipikasyon.
Sa pamamagitan kasi ng ganitong set-up ay masisiguro ng gobyerno na kakayanin na ng bawat LGU na magpatupad ng localized lockdown dahil sa kanilang sapat na kaalaman hinggil sa pag-prevent at pagkontrol ng transmission ng virus.
Sa ulat, mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila ay pabor na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, siyam sa mga Metro Manila mayors ang sumang-ayon para sa MGCQ, habang walo naman ang bumoto na isailalim muna ito sa GCQ.
Samantala, nakatakda namang isumite ang resulta ng naturang botohan sa Inter-Agency Task Force na maglalatag naman ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Daris Jose)
-
Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot
NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana. Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat […]
-
Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens: PAUL, official nang inamin sa YouTube vlog na sila na ni MIKEE
IBA-IBA ang naging reaksiyon ng netizens sa ini-upload na YouTube vlog ni Paul Salas. Ito yung pagbabakasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos. Merong mga nagulat at hindi inakala na ang dalawa pala ang magkarelasyon ngayon. Meron naman na nagbibilin kay Paul na alagaan daw si […]
-
Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong […]