• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Memoriam wall sa mga yumao,itinatag ng Quiapo church

Nagtatag ng memoriam wall ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa harap ng simbahan kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus.

 

 

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at oras para ipanalangin ang mga yumao dahil sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

 

 

“Mayroon kaming memoriam wall kung saan isusulat ng mga tao ang pangalan ng mga namatay sa panahon ng pandemya,” mensahe ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

 

 

Batay sa pastoral instruction na inilabas ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, hinihikayat nito ang mga simbahan ng arkidiyosesis na magsagawa ng panalangin para sa mga apektado ng pandemya.

 

 

Noong ika-5 ng Mayo ay itinalaga ito ng arkidiyosesis sa pananalangin para sa lahat ng frontliners na patuloy sa paglilingkod sa gitna ng mapanganib na epekto ng pandemya sa sariling kalusugan.

 

 

Ika-6 Mayo naman ang itinalagang araw para ipagdasal ang mga may karamdaman lalo na ang nahihirapan at nahawaan ng COVID-19 habang sa Mayo 7 naman ipagdasal ang mga pumanaw.

 

 

Ibinahagi ni Fr. Badong na magsasagawa ng pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng panalangin ang Quiapo Church sa gabi ng Mayo 6 ganap na alas 7 ng gabi na pangungunahan ni Msgr. Hernando Coronel.

 

 

Sa Mayo 8 naman magtitipon ang mga pari ng arkidiyosesis para sa isang misa ganap na alas 9 ng umaga sa Manila Cathedral para sa lahat ng yumao bunsod ng COVID-19 na pangungunahan ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.

 

 

Hinikayat ng arkidiyosesis ang mananampalataya na makiisa sa mga gawain sa livestreaming sapagkat limitado lamang sa 30 porsyento ang pinapayagang makadalo sa mga simbahan bunsod ng modified enhanced community quarantine status sa National Capital Region at karatig lalawigan.

Other News
  • Kasong treason isampa laban sa Makati firm na kinontrata ng China para sa troll farms

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng kasong kriminal laban sa opisyal at miyembro ng board of directors ng isang kumpanya na kinontrata ng Tsina para sa usapin ng West Philippine Sea. Ang apela ay ginawa ng mambabatas makaraang ibinunyag ni Senador Francis Tolentino, chairman […]

  • Watch the Untold Story: The Trailer of “Super/Man: The Christopher Reeve Story”

        Get ready to be inspired by the untold story of an extraordinary hero.       “Super/Man: The Christopher Reeve Story” is set to hit cinemas exclusively on October 16. Don’t miss the chance to witness the incredible journey of the man who embodied Superman both on and off the screen. Secure your […]

  • Theater debut ni Marian, tuloy na sa upcoming virtual play na ‘Oedipus Rex’

    TULOY na ang theater debut ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa pamamagitan ng Tanghalang Ateneo’s upcoming virtual play, an adaptation ng classic na Oedipus Rex.    Ang production ay ipalalabas using the video app Zoom.   Ayon kay Marian, nagkaroon siya ng second thoughts nang i-offer ito sa kanya ni director Ron Capinding.       […]