• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Men’s Football team ng bansa tiwalang magtatagumpay sa kanilang pagsabak sa Mitsubishi Electric Cup

TIWALA ang Philippine Football Federation (PFF) na magiging matagumpay ang men’s football team ng nating bansa ilang araw bago ang pagsisimula ng Mitsubishi Electric Cup.

 

 

 

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzales, na matapos ang paglabas ng pangalan ng 26 line-up para torneo ay agad silang nagsimulang mag-ensayo.

 

 

Aminado ito na hindi man sila ang nasa unang pinagpilian ay nasala naman ang mga ito base sa kanilang mga performance sa kani-kanilang club.

 

 

Magugunitang nababahala si Gonzalesa dahil sa hirap silang maipaalam sa kani-kanilang mga mothers club ang mga pangunahing manlalaro ng koponan.

 

Unang makakaharap kasi nila ay ang Myanmar sa Disyembre 12 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium habang sa Disyembre 18 naman ay makakalaban nila ang Vietnam sa parehas din na venue.

 

 

Bukod sa mga laro sa Pilipinas ay sasabak din ang mga ito sa La National Stadium sa Disyembre 15 na makakalaban ang bansang Laos habang sa Disyembre 21 ay ang bansang Indonesia.

Other News
  • PBBM, inulit ang suporta para sa Ukraine habang ang giyera ay nasa 1,000 araw na

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta nito para sa Ukraine habang patuloy na sinasakop ng Russia ang Kyiv at umabot na ito sa 1,000 araw.   “Yesterday marked the 1,000th day since the war in Ukraine began,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa X (dating Twitter).   Inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang […]

  • Ads February 28, 2020

  • Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

    PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.     Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw.     “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]