Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM
- Published on October 13, 2022
- by @peoplesbalita
“ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.”
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day.
Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health.
“Ang kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan — kasama ng climate change, kahirapan at kapayapaan ,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page.
Sa pinagdaanan aniyang krisis sa nakaraang dalawang taon, sinubok aniya nang labis ang tatag ng isipan ng bawat isa kaya’t ang pagmamalasakit at kabutihan sa kapwa ay kinakailangan ngayon at higit kailanman.
“Maging maingat at suportahan natin ang isa’t isa,” wika pa ni Pangulong Marcos.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na dahil sa sitwasyon ngayon na marami pa rin ang nagkakasakit at dinadapuan ng Covid-19, at bunga ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, at marami ang nauwi sa depresyon ay mahalaga talang mabigyang pansin at ma-educate ang bawat isa ukol sa kalusugang pangkaisipan.
Matatandaang sinabi ng National Institute of Mental Health, ang kahulugan ng mental illness ay “physical illness of the brain that causes disturbance in thinking, behavior, energy or emotion that make it difficult to cope with the ordinary demand of life.”
Marami ang hindi naipagagamot dahil sa stigma na nakaakibat o maling kaisipan na kapag may problema sa mental health ay iisipin agad na baliw, luko-luko, krungkrung at kung ano-ano pang katawagan. Kaya nga dapat talagang maging aware tayo kung kailan dapat humingi ng tulong at kung sino ang lalapitan.
Mali na may problema sa kaisipan at ang gagawin ay itatali o ikukulong dahil nahihiyang malaman ito ng iba.
Ayon sa mga espesyalista, kapag pinabayaan lamang, nangangahulugan ng mas malaking gastusin. Maliban pa sa hindi magiging produktibo sa paaralan o tanggapan man, nababawasan o nawawalan ng oportunidad at tumataas ang panganib ng suicide. (Daris Jose)
-
Bianca balik-LPGA na
NAKATAKDA nang bumalik sa Estados Unidos si Bianca Pagdanganan sa susunod na lingo para ipagpatuloy ang ikalawa niyang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021. Makikipagpaligsahan ang 23-anyos,may taas na 5-4, at tubong Quezon City at pambato ng mga Pinoy sa 34 na may 35 yugto sa pangunahing torneo […]
-
Creamline Cool Smashers abot-kamay na ang kampeonato matapos talunin ang PetroGazz
ABOT-KAMAY na lamang ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato matapos makuha ang unang panalo laban sa PetroGazz sa finals ng Premier Volleyball League Open Conference. Umabot pa sa anim na set ang laro kung saan hindi hinayaan ng Creamline ang nasabing laro at tuluyang nakuha ang panalo sa score na 25-16, 23-25, 25-12, […]
-
VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda
MUKHANG na-inspire si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role na ginagampanan niya sa high-rating teleserye ng GMA Network, ang “Start-Up Philippines.” Si Alden as the Good Boy, Tristan Hernandez ay ulila pero may pangarap na magsikap para umasenso. Natupad niya iyon at isa na nga siyang CEO sa kanyang company, ang Sandbox. […]