Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns.
Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang publiko sa oras ng kanilang mental at psychological distress.
Ayon kay Deped Sec. Leonor Briones, priority ng kanilang kagawaran ang ma-promote at maprotektahan ang mental health at general welfare ng kanilang mga nasasakupan lalo na sa panahon ngayon kung saan ay kumakaharap ang bansa sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic. Dagdag naman ni DRRMS Director Ronilda Co, ang mga nasabing helplines ay makapagbibigay ng mental health at psychosocial support services sa mga kabataan at iba pang nasasakupan ng Deped.
Narito ang mga sumusunod na helpline numbers ng mga organisasyon na maaring tawagan:
• Circle of Hope Community Services, Inc. : (+63) 917 882 2324, (+63) 908 891 5850, (+63) 925 557 0888
• Hopeline PH: (02) 8804 46 73, (+63) 917 558 4673, (+63) 918 873 4673, Globe/TM toll-fee 2919
• The 700 Club Asia: (+63) 949 889 8138, (+63) 943 706 7633, (+63) 0943 145 4815, (+63) 917 836 1513, 02 8737 0700, 1-800-1-1888-8700
Naglaan na din ng mga posters na may kumpletong listahan ng contact informations at helplines ang kagawaran sa iba’t ibang mga tanggapan nito.
Maaari rin makita ang mga ito online sa official Facebook page at website ng Department of Education.
Ia-update naman ng kagawaran ang lahat ng numero ng helpline tuwing Marso at Oktubre ng taon.
Ang nasabing issuance ng mga mental health helplines ay bilang pagtugon sa probisyon ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) sa DepEd Order No. 14, s. 2020 o ang ‘Guidance on the Required Health Standards in Basic Education Offices and Schools.
-
US investments sa Pinas papalo sa $763-M ngayong 2023
PAPALO sa $763.74 million ang magiging investment ng Estados Unidos ngayong 2023 sa oras na maisakatuparan ang Marcos trip pledges. Kapag nangyari ito, nakikita na tatlong beses ang itinaas ng investment noong nakaraang taon. “If the pledges generated by President Ferdinand Marcos Jr. during his last visit to the country come […]
-
Kung lalabas na may ‘utak’ sa Bamban POGO Alice Guo pwedeng state witness
MAAARING maging state witness ang pinatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung lalabas sa isinasagawang imbestigasyon na may mas malaking taong nasa likod ng iligal aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub, ayon sa tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) sa news forum sa Quezon City. “If for example, may makita […]
-
Mayor Jeannie, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Malabon
NAGBIGAY ng tulong si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa 56 indibidwal o 15 pamilya na lubos na nasira ang mga tahanan sa naganap na sunog sa Flovi Homes, Phase 6, Letre, Barangay Tonsuya noong Linggo. “Tuwing sumasapit ang bagong taon, may mga pagkakataong hindi naiiwasan ang ganitong mga insidente. Kaya nararapat lang po na […]