• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health issue sa gitna ng COVID-19 pandemic, pinapatutukan sa pamahalaan

Pinapatutukan ni House Committee on People’s Participation chairperson Rida Robes sa pamahalaan ang issue sa mental health sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Mas dumami kasi aniya sa ngayon ang insidente ng depression at suicide bunsod ng pandemya.

 

 

Sa kabila aniya ng seryosong problema na ito ay limang porsiyento lamang ng budget ng Department of Health (DOH) ang inilaan para sa mental health programs.

 

 

Kaya nga inihain niya kamakailan ang House Bill No. 9980 na magtatatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

 

 

Kung sakali, ito ang siyang magiging kauna-unahan sa bansa kapag naisabatas ang naturang panukala.

 

 

Pasado na ang panukala sa Kamara at hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Senado.

 

 

Kabilang sa mga serbisyong ibibigay nito ay counseling at therapy, iba’t ibang psychiatric services at psychotherapy services sa mga pasyenteng may anxiety, trauma at depression.

Other News
  • Ads May 13, 2022

  • Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

    Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.     Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]

  • GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

    SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.     Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro […]