• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health problem ni CHYNNA, nagsimula noong pumanaw ang ama; nagpapagaling na sa matinding pagpayat

MARAMI ang nabahala sa biglang pagpayat ng katawan ni Chynna Ortaleza.    

 

 

Sa post nito sa Instagram, inamin nito ang pagbagsak ng timbang niya mula 109 to 86 pounds kahit na hindi siya nagda-diet o nagwu-workout.

 

 

Bukod sa kanyang iniindang gut problem, nakadagdag pa raw sa pagpayat ni Chynna ay ang kanyang mental health issues.

 

 

Sey ni Chynna: “When you get sick, you have to get into the root cause of it, you know why you’re treating it and it’s not just the symptom you’re treating. You need to know why it’s happening and usually, it’s functional or mental. In my case, it’s both.”

 

 

Nagsimula raw ang mental health problem ni Chynna noong pumanaw ang ama niya noong 2019. Nagkasunud-sunod daw ang mga pangyayari sa buhay niya kaya di raw siya masyadong nakapagluksa.

 

 

“I didn’t give myself time to grieve in all honesty about my papa so after that, I became a mom again and faced different adjustments since, now, I have two kids. Apart from that, the pandemic happened, so I had to process a lot of things,” sey pa niya.

 

 

Nagpapagaling ngayon si Chynna pero marami raw pagkain ang bawal niyang kainin tulad ng cheese, dairy, eggs at yung may gluten.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK ang legendary diva na si Diana Ross sa pamamagitan ng bagong album after 15 years.

 

 

Ire-release ang bagong studio album ni Diana titled Thank You on September 10, 2021. Huling album niya ay noong 2005 titled I Love You.

 

 

Sey ni Diana sa official release: “This collection of songs is my gift to you with appreciation and love. I am eternally grateful that I had the opportunity to record this glorious music at this time. I dedicate this songbook of love to all of you, the listeners. As you hear my voice you hear my heart.”

 

 

May 13 songs ang album na collaboration ni Diana with songwriters and producers na sina Jack Antonoff, Troy Miller, Spike Stent, Tayla Parx and Fred White.

 

 

Thank You will be released under Decca Records and Universal Music Group.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads July 20, 2024

  • Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC

    ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).     Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal […]

  • Gumabao huwarang atleta

    HINDI lang magagaling ang ating mga mga elite at national athlete, kasama siyempre ang mga volleybelle.     Matitinik sila sa playing court, pati rin pagdating sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan ng pagkalinga.     Isang taon na nitong Marso 15 nang mag-lockdown ang ‘Pinas.     Nagsulputan ang mga manlalaro para sa mga […]