Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.
Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.
Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Samantala, hindi rin muna magpuputol ang Meralco ng linya ng kuryente sa NCR simula Agosto 6-20 dahil sa nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.
Umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na makipag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.
Tuloy naman ang meter reading at bill delivery activities ng Meralco. (Gene Adsuara)
-
Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE
MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]
-
LeBron, Giannis Captain Ball ng NBA All Star 2023
Halos abot na ni LeBron James ang NBA career scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar. At ngayon, nalampasan na naman niya si Abdul-Jabbar sa isa pang pahina ng All-Star record book. Inanunsyo si James noong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila) bilang NBA All-Star sa ika-19 na pagkakataon, ang star ng Los Angeles Lakers na tumabla […]
-
Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA
HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team. Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha. […]