Metro Manila, 7 pang lugar COVID-19 hotspots
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILING hotspot sa COVID-19 ang Metro Manila sa loob ng nakalipas na dalawang linggo maging ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.
Ito ang resulta ng pagsusuri ng UP-OCTA Research Team base sa mga datos na naitatala ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso kada araw.
Kahit na may panawagan na para sa pagpapaluwag ng ‘lockdown’, ipinanukala naman ng UP team sa pamahalaan na magdeklara ng mas mahigpit na ‘quarantine’ partikular sa Bauan, Batangas; Calbayog sa Western Samar; at General Trias sa Cavite.
Ito ay dahil sa pagtaas ng ‘attack rate per 1,000 people’ ng virus sa Bauan mula 6.2% noong Oktubre 4 sa 11.9% nitong Oktubre 11; 5.1% sa 8% sa Calbayog at 4.9% sa 7.6% sa General Trias.
Nabatid naman na patuloy ang pagdagsa ng mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila na mas mababa sa 1,000 kaso kada-araw.
Ngunit iginiit ng mga mananaliksik na maaaring agad na mabaligtad ito kung hindi mapapanatili ng pamahalaan ang mahigpit na panuntunan sa kaligtasan. (Ara Romero)
-
Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na
BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]
-
Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift
PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din. Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn. Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]
-
Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark. Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito […]