Metro Manila balik sa mas mahabang curfew
- Published on July 26, 2021
- by @peoplesbalita
Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) na may 9 na mula sa dating tatlo lamang ng local case ng Delta variant sa Metro Manila ang naitala ng Department of Health (DOH).
Sa pahayag ni Abalos , ang bagong ipatutupad na curfew hours para sa National Capital Region ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Una nang iniksian ang ipinatutupad na curfew mula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Ngunit dahil nga sa banta ng mga COVID variant partikular ang Delta variant at pagbabalik sa mas mahigpit na GCQ kaya napagpasyahan ng mga alkalde na muling pahabain ang curfew.
Aniya, dapat na mas maagap ngayong may local transmission na tumaas pa sa siyam ang Metro Manila dahil sa posibleng bilis na hawaan sa Delta variant. (Gene Adsuara)
-
Ads April 21, 2023
-
RICHARD, makakatambal ni HEART sa ‘I Left My Heart In Sorsogon’
MUKHANG wish came true sa bagong Kapuso actor na si Richard Yap, na makatambal niya si Kapuso actress Heart Evangelista. Nang ma-interview kasi si Richard nang bagong lipat pa lamang siya sa GMA Network, kung sinu-sino ang mga artistang babae na gusto niyang makatambal kapag gumawa na siya ng projects doon, nabanggit nga […]
-
P15 bilyong pondo para sa silid-aralan, aprub na sa DBM
INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman noong ika-15 ng Mayo 2023 ang pagpapalabas ng pondong aabot sa P15,151,709,646.00 para sa pagpapagawa ng 4,912 na mga silid-aralan sa 1,194 sites o lugar sa buong bansa. “Ang napapanahong pagpapalabas ng pondo na pawang hiling ng Department of Public Works and Highway […]