• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero

Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

 

Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal na mga pampasaherong jeep.

 

Kapag nangyari ito, aniya malaking tulong ito sa mga tsuper na natigil sa pamamasada dahil sa coronavirus pandemic.

 

Dagdag pa nito, hindi pa napapanahon na magbawas ng distansiya dahil andiyan pa ang pangamba ng nasabing coronavirus.

 

Magkakaroon lamang ng kalituhan din sa mga tao dahil kapag nasa pampublikong lugar ay dapat panatilihin ang isang metro na layo habang kapag nasa loob ng pampublikong sasakyan ay mababawasan ang distansya ng bawat isa.

 

Ibinunyag pa nito na hindi sila nakonsulta ng DOTR nang ilabas ang nasabing kautusan sa pagbabawas ng distancing sa mga pampublikong sasakyan.

 

Nauna rito nagkaroon ng magkasalungat na paniniwala sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano sa nasabing usapin kung saan pagdidisisyunan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing kontrobersiyal na isyu

Other News
  • Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

    IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.   “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]

  • OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA

    BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .     Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]

  • Ads December 13, 2021