• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila nasa ‘low risk’ na sa COVID-19

Naibaba na sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 porsyento sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo habang bumaba na rin sa 5.7 ang ADAR (average daily attack rate).

 

 

Sa pagitan ng Hunyo 16-22, nakapagtala ng 685 na daily average ng kaso ng COVID-19 na mas mababa sa 825 average cases sa pagitan ng Hunyo 9-15.

 

 

Malaki ang ibinaba ng bagong datos sa 5,534 daily average mula Marso 29 hanggang Abril 4 sa kasagsagan ng peak ng COVID-19 cases na daan para ideklara muli ang ‘enhanced community quarantine’ sa NCR.

 

 

Makaraan na pumatag ang mga kaso, unti-unting bumababa na umano ito ngayon at kailangang mapanatili sa mga susunod na linggo, ayon kay De Guzman.

 

 

Samantala, inilagay sa ‘high-risk’ naman ang CARAGA, Regions 6 (Western Visayas), 11 (Davao Region, at 12 (Soccsksargen).

 

 

Nagtala ng 27% pagtaas sa mga bagong kaso sa CARAGA, 41% sa Western Visayas, 53% sa Davao Region, at 33% sa Soccsksargen.

Other News
  • 3 Filipino cardinals dumadalo sa ipinatawag na ‘consistory’ sa Vatican ni Pope Francis

    NASA  tatlong mga Filipino cardinals ang nasa Vatican ngayon upang dumalo sa dalawang araw na extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Francis.     Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naturang impormasyon sa pamamagitan nang paglalabas ng larawan na magkakasama sa Vatican sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery […]

  • OCTA: NCR ‘low risk’ na sa COVID-19

    Mula sa ‘very low risk’ ay tumaas sa ‘low risk’ ang klasipikasyon ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19.     Sa pinakahuling update ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay tumaas sa 116 […]

  • Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy

    Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national a­thletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.     “I don’t want to p­reempt the […]