Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.
“Tumutok ako sa straight punches. Kada round yun ang ginagawa ko. Nung nakita ko na nasaktan ko na siya, hindi na ako tumigil,” ani Magsayo.
Umingay ng husto ang buong T-Mobile Arena dahil sa malalakas na hiyawan ng mga Pinoy fans na personal na nakapanood ng laban bitbit ang kani-kanyang bandila ng Pilipinas.
Napanatili ni Magsayo ang World Boxing Council-Asian Boxing Council featherweight title gayundin ang malinis na rekord ng Pinoy champion tangan ang 23-0 marka kabilang ang 16 knockouts. Nahulog naman si Ceja sa 32-5-1 baraha.
-
Kung understated si Ruffa bilang Madam Imelda Marcos: DIEGO at ELLA, naging mahusay ang pag-arte dahil kaeksena si CESAR
KUNG attendance lang ang basehan para masabing successful ang isang event, masasabing matagumpay ang red carpet premiere ng ‘Maid in Malacanang’ na ginanap noong Friday, July 29 sa SM The Block Cinemas 1, 2 and 3. Maraming dumalo sa premiere ng movie. Hindi lang namin alam kung puno lahat ang tatlong sinehan kung saan […]
-
Malacañang pinakakansela na ang passport ni ex-Bamban Mayor Alice Guo
KINUMPIRMA ng Office of the Executive Secretary na nakalabas na ng Pilipinas si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, nakasaad dito na lumipad na si Guo patungong Malaysia, saka nag tungo sa pamilya nito sa Singapore at bumyahe patungong […]
-
Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog
NAGLABAS ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1. Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory […]