• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga accomplishment ni Cong. Arjo Atayde, inilatag sa kanyang State of the District Address

NAGDAOS ng kanyang State of the District Address si Quezon City 1st. District Representative Juan Carlos “Arjo” C. Atayde nitong lunes Marso 24, 2025 sa SM North Edsa Sky Dome sa Quezon City.

Makailang beses napaluha ang mambabatas ng dahil sa mataas na emosyon na dala naman ng labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang mga nasasakupan.

Sa kanyang ulat, inilahad ni Atayde ang mga accomplishment ng kanyang tanggapan sa usapin ng kalusugan, kaunlaran, palakasan at edukasyon.

Maging ang mga proyektong pang imprastraktura upang mabawasan, kung di man mawala ang pagbaha sa distrito uno lalo pa sa panahon ng tag-ulan. Inilatag na rin ni Atayde ang mga proyektong gumugulong na ngayong 2025.

Dumalo sa nasabing ulat sa distrito bilang panauhing pandangal si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo upang ipakita ang suporta kay Atayde.

Pinasalamatan din ni Atayde ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sampu ng mga konsehal sa distrito uno.

Sa pagwawakas ng kanyang talumpati, hinikayat ni Atayde ang kanyang mga constituents na samahan syang muli sa paglilingkod sa distrito uno upang maipagpatuloy pa ang mga magagandang proyekto sa kanyang mga nasasakupan. Sabi pa nya, “samahan nyo po ako sa round 2!” (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Women’s volleyball semis sa MOA nagtala ng record sa may pinakamaraming sports fans sa gitna ng pandemya

    BUMUHOS ang mga volleyball fans kagabi sa ginanap na semifinals game ng Premier Volleyball League (PVL) na isinagawa sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.     Maraming mga sports analysts ang nagulat at natuwa dahil sa kabila ng umiiral na pandemya ay nagagawa nang punuin ng mga fans ang ganitong mga laro […]

  • 2 riding-in-tandem na nang-agaw ng motorsiklo, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela

    TIMBOG ang dalawang riding-in-tandem na mga suspek na nanutok ng baril sa isang estudyante at tumangay ng kanyang motorsiklo nang masabat ng pulisya sa Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang mga suspek sina alyas […]

  • IATF, hinihintay ang desisyon ni PDu30 sa paggamit ng face shield – Roque

    HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 response ukol sa face shield requirement.   “Meron na pong desisyon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself,” dagdag […]