• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga apektadong negosyo, pinagsusumite ng report ng DOLE

Hinikayat ng Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na magsumite ng report sa “DOLE Establishment Report System.”

 

“Be informed that effective July 08, 2020, establishments are advised to access https://reports.dole.gov.ph and submit reports online,” lahad ng DOLE CALABARZON sa Facebook post.

 

Kasama sa report ang pagpapatupad ng flexible work arrangement o alternative work scheme, temporary closure, retrenchment o reduction ng workforce, at permanent closure.

 

Ngunit kailangan munang magparehistro sa “Register Your Company Now” button upang makapagsumite ng forms.

 

Makaraan ang pagsumite ng report, makakukuha ang kumpanya ng acknowledgement receipt via email mula sa DOLE.

 

“This is also to minimize physical contact and possible health risks for our clientele and the DOLE workforce,” lahad pa ng departamento. (Daris Jose)

Other News
  • DIETHER, naaksidente na nga pero nakuha pang laitin ng netizen

    NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.     Seriously injured si Diet matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang nakaparadang truck ng basura.     Ang malungkot, naaksidente na nga ang aktor pero may mga tao na nag-comment pa ng hindi maganda sa Twitter.     Post ng netizen sa kanyang twitter handle na […]

  • VACC at mga biktima ng Dengvaxia, dismayado sa QC Court

    NAGLABAS ng hinanakit at galit ang mga magulang ng mga batang pumanaw sa dengvaxia vaccine matapos matanggap ang kautusan ng hukom na humahawak sa kanilang kaso.     Ito ay matapos na atasan ni Quezon City court Branch 229 Judge Maria Luisa Leslie Gonzales-Betic ang mga state prosecutor na pag-isahin na lamang ang 35 kasong […]

  • 16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

    PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.     Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]