Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.
Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at P200,000 naman si Irish Magno.
Ang ibang mga atleta ay mayroong tig P200-K na pondong manggagling sa office of the President.
Inanunsiyo nito ang nasabing karagdagang pabuya sa ginawang virtual na pagpupulong sa mga nakauwing atleta nitong Lunes .
Ang nasabing halaga aniya ay bukod pa sa itinakda ng batas.
-
Inbound travel sa Region 6, limitado
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection. Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, […]
-
Tulak timbog sa buy bust sa Caloocan, P510K shabu, nasabat
MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga nang hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Michael Labriaga, 34 ng Brgy. 175, ng lungsod. […]
-
85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH
Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’. “Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in […]