• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program

Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ituring bilang “frontliners” ang mga atleta upang sa gayon ay mapasama ang mga ito sa priority list nang mga mabibigayan ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Magugunita na sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na balak ng pamahalaan na bakunahan ang 50 million hanggang 70 million katao sa loob ng isang taon at masimulan ang pagbabakuna sa Pebrero 20.

 

 

Base sa vaccination roadmap ng pamahalaan, ang mga health workers at frontliners ang siyang unang makakatanggap ng bakuna, na susundan ng mga empleyado sa ilang piling opisina ng pamahalaan at mahihirap na senior citizens.

 

 

Pero sa kanyang resolusyon, sinabi ni Romero na ang mga national athletes ay sasailalim sa qualifying stages ng Tokyo Olympics at SEA Games sa Abril at Mayo 2021.

 

 

Kaya mahalagang maisama aniya ang mga ito sa priority list nang mabibigyan ng mga bakuna sa lalong madaling panahon para makibahagi ang mga ito sa qualifying stages. (REC)

Other News
  • Dumaan sa maraming pagsubok bago nag-tagumpay: SOFRONIO, first Filipino and Asian na nagwagi sa ’The Voice USA’

    ANG Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang kauna-unahang Pinoy at Asian na manalo sa ‘The Voice USA’.     Dumaan sa maraming pagsubok so Sofronio bago niya narating ang The Voice USA stage. Kasama rito ang malayo siya sa kanyang pamilya.     “The hardest thing that I did with this journey is being […]

  • Kai Sotto magpapahinog muna

    Magpapahinog muna si Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) ng Australia bago sumalang sa NBA Draft sa mga darating na taon.     Isa sa dahilan ng pagpasok ni Sotto sa NBL ang eligibility nito sa 2021 NBA Draft.     Base sa patakaran ng draft, hindi pa maaaring agad na lumahok ang sinumang […]

  • NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na

    Isinailalim sa CO­VID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.     “All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern […]