• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga barangay official, ‘walang kamay’ sa pagdetermina sa listahan ng mga benepisaryo ng AKAP -Gatchalian

BINIGYANG-DIIN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi pork barrel initiative ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon sa Kalihim, hindi responsable ang mga opisyal ng barangay sa pagdetermina sa listahan ng mga benepisaryo ng programa.
“Let me reiterate that all the DSWD’s Field Offices across the country serve people in need, whether they are walk-in clients or referrals from local government unit (LGU) officials,” ang sinabi ni Gatchalian.
ipinaliwanag nito na ang DSWD social workers ang nag-proseso ng AKAP applications at nagdesisyon ng halaga ng tulong na matatanggap ng kuwalipikadong benepisaryo.
Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay tugon sa sinabi ng nagretirong si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung saan inihahalintulad ang AKAP cash assistance sa kontrobersiyal na pork barrel system at ipinanukala na magsumite ang mga opisyal ng barangay ng listahan ng benepisaryo.
Bilang tugon pa rin ni Gatchalian, sinabi niya na walang probisyon sa AKAP guidelines na pinapayagan ang mga opisyal ng barangay na idetermina ang mga benepisaryo ng cash aid ng programa.
“With due respect to the former Supreme Court Justice, AKAP is not pork barrel. Any good Samaritan can refer potential beneficiaries, and barangay officials have no role in the selection process as outlined in our guidelines,” ang sinabi ng Kalihim.
Nilinaw naman ng Kalihim na habang ang mga mambabatas at mga local officials ay maaaring mag-refer ng mga potensiyal na benepisaryo, ang social workers ng departamento ang sumusuri at nagsasapnal ng listahan ng mga recipient.
“The original purpose of AKAP is to protect minimum wage earners and near-poor Filipinos from the effects of inflation, which reduces their purchasing power. The program provides assistance tailored to address individual needs, particularly for goods and services impacted by high inflation,” ang paliwanag ni Gatchalian.
Kabilang sa panukalang 2025 national budget ay ang P26-billion na alokasyon para sa AKAP, na inaasahan na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.
Gayunman, binatikos naman ng mga opposition lawmakers mula sa Makabayan bloc ang AKAP, binansagan itong “political tool” para sa potensiyal na vote-buying sa ilalim ng pagkukunwaring tulong pinansyal.
Samantala, iniulat naman ng DSWD na halos 5 milyon na ng “near-poor” filipino ang nakikinabang mula sa AKAP sa panahon ng unang taon ng implemetasyon, sumasaklaw mula Enero hanggang Disyembre 26, 2024.
(Daris Jose)
Other News
  • LTO, inilunsad ang ‘STOP ROAD ACCIDENT!’ bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa road safety

    NAGLULUNSAD ang Land Transportation Office (LTO) ng mas pinaigting na kampanya para sa road safety, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabawasan ang insidente ng aksidente sa kalsada ng hindi bababa sa 35% pagsapit ng 2028.     Pinamagatang “STOP ROAD ACCIDENT!”, ipinaliwanag ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. […]

  • Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

    Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.   Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga […]

  • Ramdam na hinaplos ang puso niya: ARNOLD, inamin na makasalanan pero ‘di pinabayaan ng Diyos

    NAPALUHA kami sampu ng mga kasamahan naming mga Greeters and Collectors ministry ng Sto. Niño de Tondo nang napanood namin ang newscaster na si Arnold Clavio sa programang ‘Kapuso mo, Jessica Soho’ ng GMA channel 7.         Deretsahang inamin ni Arnold on national television na isa siyang makasalanan at sa kabila nang […]