• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.

 

 

Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may katangi-tangi at inclusive na disaster risk reduction and management at climate action. Matatandaang inilunsad noong isang buwan ang Quezon City Green Awards.

 

 

Ayon  kay Mayor Joy Belmonte, ang mga idea patungkol sa disaster preparedness ay maaring makatulong sa LGU upang makapag develop pa ng mas magandang programa. Ang mga inisyatiba at solusyon para sa epekto ng climate change ay dapat na nakasentro sa mga mamamayan at tumutugon sa mga hamong kinahaharap ng mga komunidad.

 

 

Mayroong tatlong kategorya ang parangal na nabanggit, Green Award, Resiliency Award at Green and Resilient Champion.

 

 

Ang mga interesadong lumahok ay maaring magparehistro online sa greenawards.quezincity.gov.ph. hanggang sa July 15, 2023

 

 

Ang lahat ng entries ay sasailalim sa masusing assessment at field validation at kailangang ipresinta sa mga hurado ang kanilang programa.

 

 

Sumatotal ay maroong 16 organisasyon at institution ang pararangalan sa Oktubre. Makatatanggap sila ng tropeyo at cash grant na magagamit nila para sa kanilang mga programa at proyekto. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash

    Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo.     Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong.     Bilang aniya […]

  • Novak Djokovic nasungkit ang Semis spot ng Australian Open

    Pasok na sa semifinal rounds ng Australian Open si Novak Djokovic.   Ito ay matapos talunin si fifth seed Andrey Rublev sa score na 6-1 6-2 6-4.   Ito na ang pang-44 beses ng Serbian tennis star na nakaabot sa semifinals ng Grand Slam tournaments.   Labis ang kaniyang kasiyahan at hindi ito makapaniwala na […]

  • SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE

    SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).   Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto.   “Let’s just say that […]