• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BARANGAY TANOD SA TONDO, ISINAILALIM SA TRAINING AT SEMINAR

ISINAILALIM sa pagsasanay ang mga barangay tanod at iba pang opisyal ng barangay sa unang distrito ng Maynila sa Tondo upang maging bihasa at magkaroon ng kaalaman kaugnay sa kanilang tungkulin.

 

 

Ang nasabing pagsasanay ay inilunsad ng kapulisan sa pangunguna ni Manila Police District (MPD) Station 1 commander P/Lt. Col. Rosalino Ibay, Jr. na nilahukan ng may 2,500 tauhan ng barangay sa buong distrito na nagnanais na matuto ng kaalaman, hindi lamang sa wastong pagpapatupad ng batas, kundi maging sa mga programang may kaugnayan sa panahon ng panganib, kagipitan, kalamidad at iba pang uri ng sakuna.

 

 

Dahil maganda ang layunin, naglaan ng kaukulang pondo si 1st District Congressman Ernix Dionisio upang tustusan ang halos isang buwan na gagawing pagsasanay ng mga tauhan at opisyal ng barangay na sinimulan noong Marso 2.

 

 

Isinagawa ang karamihan sa mga pagtuturo at pagsasanay sa Patricia Sports Complex sa Gagalangin, Tondo kabilang ang paghubog sa kanilang kakayahan at kaalaman sa iba’t-ibang mga programa ng pamahalaan at mga law enforcement agency.

 

 

Tumulong at nagpadala naman ng kinatawan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) upang ibahagi sa mga tauhan ng barangay ang wastong pagtugon, pati na ang pag-angat sa kanilang kaalaman sa patuloy na paghahasik ng rebelyon ng mga komunistang grupo sa Pilipinas.

 

 

Malaki rin ang naibahagi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ituro sa mga tauhan ng barangay ang mga tamang pamamaraan para makatulong sa pagsugpo ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

 

 

Hindi lamang iminulat sa kaalaman sa batas at mga umiiral na ordinansa ang mga barangay tanod kundi tinuruan din sila ng wastong pagtatanggol sa kanilang sarili sakaling malagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagtupad sa tungkulin, pati na rin sa pagresponde sa mga kalamidad at iba pang uri ng sakuna.

 

 

Sa Marso 18, araw ng Sabado, idaraos naman ang Tanod Olympic Festival kung saan may nakalaang premyo sa bawa’t grupo ng barangay tanod na magwawagi na mula sa P10,000.00, P50,000.00 hanggang P100,000.00 premyo kung saan personal na dadaluhan ito nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo-Nieto. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Highlights video ng ‘Nagbabagang Luha’, milyun-milyon na ang views; CLAIRE, patuloy na kinaiinisan ng netizens

    UMANI nang mahigit one million views ang highlights video ng October 2, 2021 episode ng GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha sa loob lamang ng isang araw.     Sa ngayon, mayroon ng 2.4 million views ang highlights video na naka-upload sa official Facebook page ng GMA.     Ang nasabing highlights video ay nagpapakita […]

  • Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

    Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.     Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.     Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon […]

  • PDu30, siniguro na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pormal na pagpapalit ng bagong liderato ng bansa sa June 30

    SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na Pangulo ng Republika sa Hunyo a- trenta.     Sinabi ng Punong Ehekutibo,  isang Constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang Presidential election ngayong taon.     Paniniguro nito, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging […]