Mga biyahero mula sa India, bawal pumasok sa Pilipinas…
- Published on April 29, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-ban ang lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino na galing sa bansang India.
Ang travel ban, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay magiging epektibo ng ala-1:00 ng umaga ng Abril 29, 2021 hanggang Mayo 14, 2021.
Ang mga pasahero na nasa biyahe na galing sa India o iyong mga nanggaling sa India ‘within 14 days’ bago dumating ang Abril 29, 2021 ay hindi aniya sakop sa travel ban.
Subalit, kinakailangang sumailalim ang mga ito sa mas pinahigpit na quarantine at testing protocols. Ito ay iyong absolute facility-based fourteen-day quarantine period sa kabila ng negatibong resulta sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).
Ang mga paghihigpit naman sa mga biyahero na galing sa ibang bansa na mayroong variant na galing sa India ay maaaring ipatupad ng Office of the President ‘upon the joint recommendation’ ng Department of Health (DoH) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa kabilang dako, inatasan naman ang Department of Transportation na tiyakin na ang mga airlines ay hindi magsasakay ng mga pasahero na sakop ng travel ban na ipinatupad ngayon ni Pangulong Duterte.
“Ang travel ban po, uulitin ko po… lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino at ito po ay epektibo sa ala-una ng umaga, April 29, 2021 hanggang May 14, 2021,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, nakakalungkot ang mga kaganapan ngayon sa India. Umaapoy ang mga “funeral pyres” na ito sa isang cremation ground sa Allahabad, India habang sinusunog ang mga labi ng mga namatay doon sa COVID-19.
Kasalukuyang punuan ang mga ospital at crematoriums ngayon sa India dahil sa tindi ng COVID-19 situation doon. Nagsasagawa na rin ng mga sabayan o “mass cremations” dahil sa laki ng bilang ng mga namamatay.
Nasa 1.01 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa mga hulingdatos. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 16,916 katao. (Daris Jose)
-
Gobyernong Duterte, determinado na pigilan na mawala ang isa pang teritoryo sa WPS
DETERMINADO ang pamahalaan na pigilan ang pagkawala ng isa pang teritoryo matapos palayasin ng mga coast guard authorities ang Chinese vessels mula sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea. Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pinakahuling hakbang ng coast guard, sabay sabing ang bansa ngayon ay nagpapalayas ng mga foreign vessels mula sa […]
-
Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate
UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla. Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong […]
-
Libreng bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng LGUs, welcome sa Malakanyang
WELCOME sa Malakanyang ang ikinakasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Makati, Pasig, Valenzuela, Navotas at Paranaque na pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangangahulugan lamang na maraming budget para bumili ng vaccine. “Well, unang-una .. lahat po ng transaksyon sa mga manufacturer will be government to […]