MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis” na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 .
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician.
Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, ang prioritization criteria naman ay base sa risk of exposure o pagkakalantad sa sakit at risk of death.
“Our prioritization criteria naman is based on risk of exposure and risk of death. So we follow that-pregnant na medical frontliner, pregnant na senior, pregnant na may comorbidity etc. Again, basta may clearance ng doctor”, ayon pa sa DOH.
“We follow the contraindications written in the EUA to determine who should not receive the vaccines. The vaccines we have are not contraindicated for pregnant women. Pregnant women may be vaccinated as long as cleared by their physicians” pahayag pa ng DOH.
Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ang mga buntis ay nasa mas mataas na panganib ng severe COVD-19 kaysa hindi mga buntis at ang COVID-19 ay naiuugnay na isang mataas na peligro ng pre-term birth.
Gayunman, sinabi ng WHO na dahil sa walang sapat na datos, hindi inirerekomenda ng WHO na mabakunahan ang mga buntis sa ngayon.
“In case a pregnant woman has an unavoidable risk high of exposure (e.g a health worker), vaccination may be considered in discussion with their hel]althcare provider,” pahayag ng WHO sa kanilang website.
“If a breastfeeding woman is part of a group (e.g health workers) recommended for vaccination, vaccination can be offered. WHO does no recommend discontinuing breastfeeding after vaccination” sinabi pa ng WHO. (GENE ADSUARA)
-
Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA
OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza. Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila. Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]
-
Dagdag pension sa senior citizens, isinusulong ni Cong. Lacson
Isinusulong ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan ng karagdagang pension para sa mga nakakatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Cong. Lacson na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa mga senior citizens. Aniya, kung maipasa sa […]
-
General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan
Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA. “Affected motorists should take a turn at […]