• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga chikiting, puwede ng pumunta sa mga malls sa Kalakhang Maynila

PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga chikiting na pumasok sa loob ng malls sa Kalakhang Maynila matapos na ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR.

 

Subalit paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kailangang magbigay ang local government units (LGUs) ng karagdagang guidelines gaya ng at kabilang ang i-require ang mga magulang at guardians na samahan ang mga bagets sa malls.

 

“Personally, I believe children are allowed to go out to the malls. We have to relate it to number 1, that intrazonal and interzonal movement shall be allowed. However, reasonable restrictions can be imposed by LGUs,” ayon kay Abalos.

 

“If you’re going to recall before, there was a condition set by mayors that minors should always be accompanied by their parents or any guardian. I believe that still exists,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, ang mga chikiting o menor de edad ay maaaring mag-dine alfresco sa loob ng restaurants, iyon nga lamang kailangan na susundin ng establisimyento ang venue capacity na itinakda ng pamahalaan sa ilalim ng Alert Level 2.

 

Sa ilalim ng guidelines na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, “restaurants and eateries may operate at a maximum of 50 percent indoor venue capacity for fully vaccinated individuals and those below 18 years of age, even if unvaccinated. They may also operate at 70 percent outdoor venue capacity.”

 

Magkagayon man, ang lahat ng mga manggagawa at empleyado ng mga establisimyento ay kailangan na fully vaccinated at sumusunod sa minimum public health standards.

 

Inanunsyo ng Malakanyang na isasailalim na sa Alert Level 2 ang Kalakhang Maynila, simula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21. (Daris Jose)

Other News
  • Sa wakas… PBBM, nilagdaaan ang 2025 nat’l budget, bineto ang P194 billion

    PORMAL nang tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang maging ganap na batas ang panukalang national budget para sa fiscal year 2025, araw ng Lunes, Disyembre 30. Ito’y matapos ang ginawa niyang masusing paghimay at pagrepaso sa 2025 national budget kasama ang mga economic manager ng bansa. Ang paglagda sa P6.326 trillion budget para sa […]

  • Impeachment, hinahadlangan?

    KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.   Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara  na natulog umano  nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s […]

  • Drivers, conductors, at dispatchers, salagan mula sa hidwaan sa pagitan ng LTFRB at bus operators

    PAHAYAG  ito ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares kasabay nang paggiit na tapusin at resolbahin ng transportation officials ang nakakalungkot na kalagayan ng mga drayber at konduktor na patuloy na hindi nakakatanggap ng kanilang sahod.     Sinisi ng mga bus companies ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagkaka-delay sa sahod habang […]