Mga COVID-19 vaccines na iligal na ibinibenta ‘di puwedeng gamitin – FDA chief
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na puwedeng gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta nito kamakailan.
Sinabi ito ni Food and Drugs Administration director general Eric Domingo kahit pa napatunayan namang genuine ang mga nakumpiskang bakuna.
Iginiit ni Domingo na walang katiyakan na maayos ang handling sa mga bakunang ito, at maari ring nakompromiso ang temperatura na required.
Makikita naman aniya sa isang video na sa cooler lamang sa loob ng sasakyan nakasilid ang mga iligal na ibinentang bakuna, bukod pa sa bukas na ang packaging ng ilan sa mga ito.
Sa ngayon, patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang source ng mga bakunang iligal na ibinibenta para matukoy kung smuggled nga ba ang mga ito o kinuha mula sa supply ng gobyerno.
Kaugnay nito ay nananawagan si Domingo sa publiko na kaagad na isumbong sa FDA ang mga pinaghihinalaang nagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Maaari aniyang gawin ito sa pamamagitan ng kanilang website.
-
Baon sa lahat ng estudyante, isinusulong
ISINUSULONG ng isang mambabatas ang paglalaan ng taunang cash assistance na P1,000 sa pre-elementary, P2,000 sa elementary, P3,000 sa junior high school, P4,000 sa senior high school at P5,000 sa mga college students. Nakapaloob ito sa House Bill 6908 na inihain ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro. Ayon sa […]
-
Ads November 18, 2020
-
Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat
ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente […]