• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Dengue fast lane, bukas na sa lahat ng pampublikong ospital sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa layuning makapagbigay ng agaran at episyenteng pangangalaga sa mga pasyenteng hinihinalang may Dengue fever, naglabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health ng pabatid hinggil sa pagtatalaga ng Dengue fast lanes sa lahat ng pampublikong ospital sa lalawigan.

Mahalaga ang mga fast lane na ito para sa maagap na pagtuklas ng sintomas, mabilis na paglunas, at aktibong pamamahala ng mga kaso ng Dengue, lalo na sa panahon ng outbreak.

Nakasaad sa pabatid na kinakailangang magtalaga ang mga pampublikong ospital ng mga special specific zones na nakalaan para sa pagsusuri at pamamahala ng mga pasyenteng hinihinalang may Dengue. Dapat din tiyakin ng mga ospital na mayroon silang sapat na suplay ng mga kinakailangang kagamitang medikal at gamot kabilang ang intravenous fluids, diagnostic tools, at mga mahahalagang medikasyon upang episyenteng matugunan ang mga pasyente na may Dengue.

Gayundin, kinakailangang makipag-ugnayan ang mga ospital sa local health authorities upang maipaalam sa  publiko ang pagkakaroon ng Dengue fast lanes na humihikayat ng maagang pagkonsulta at pagsuri sa mga hinihinalang kaso.

Matatandaan na noong Enero 25, naglabas si Gob. Daniel R. Fernando ng memorandum sa lahat ng mga alkalde ng lungsod at bayan hinggil sa pagpapaigting ng mga hakbang sa pag-iwas upang mapigil ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng Dengue matapos makapagtala ng 83% na pagtaas ngayong taon kumpara sa naitalang kaso (6,437) sa kaparehong panahong noong 2023.

Ipinag-uutos ng Memorandum DRF-01132025-035 sa lahat ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng sabayan at malawakang paglilinis araw-araw tuwing alas-4:00 ng hapon; magsagawa ng regular na search and destroy operations; makahikayat ng maaga at maagap na konsultasyon sa mga health center o ospital kapag nakararanas ng anumang sintomas ng Dengue; panatilihin ang malinis at hindi baradong irrigation system; magsagawa ng malawakang information dissemination at community forums; regular na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration; at para sa lahat ng Barangay Health Workers upang magsagawa ng active surveillance sa kani-kanilang lokalidad at agarang maituloy ang mga residente na may dalawang araw na lagnat sa pinakamalapit na health center at ospital para mabigyan ng karampatang lunas.

Binigyang diin ni Fernando na libre ang pagbibigay ng lunas sa Dengue sa mga pampublikong ospital sa lalawigan at hinikayat rin niya ang mga Bulakenyo na patuloy na mag-donate ng dugo upang makatulong sa pagsagip ng buhay.

“Kung may nararamdaman na po kayong sintomas ng Dengue, huwag na pong mag-atubili na magpatingin sa health center o sa ating mga pampublikong ospital, libre naman po ito. Mahalaga po ang early detection, mas maagang ma-detect kung may Dengue kayo, mas mabilis na malalapatan kayo ng angkop na lunas. Sa sama-sama nating pagkilos ay maililigtas sa sakit na Dengue ang buhay ng bawat Bulakenyo,” anang gobernador.

Aniya, may nakalaang spraying chemicals sa mga lokal na pamahalaan habang nagsasagawa ng fogging at spraying sa mga lugar na may clustering na kaso.

Other News
  • Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN

    NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.   Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens.   Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 48) Story by Geraldine Monzon

    ILANG SAGLIT pa lang naghihintay si Bernard ay dumating na agad ang hinihintay niyang kliyente. Natigilan siya nang mapagsino ito.   “R-Roden?”   Maangas ang ngiting pinakawalan ni Roden.   “O, nakakagulat ba Bernard?”   Kusa nang naupo sa kaharap na silya si Roden.   “What a small world!”   Naupo na rin si Bernard […]

  • Lady Gaga at Jennifer Lopez, special guests sa inauguration nina US Pres. Joe Biden at Vice Pres. Kamala Harris

    SINA Lady Gaga at Jennifer Lopez ang dalawa sa magiging panauhin sa inauguration ng bagong US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris ngayong January 20.   Magaganap ang sworn in nila Biden at Harris sa West Front ng US Capitol.   Si Lady Gaga ang aawit ng national anthem samantalang si J.Lo […]