‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator.
Pero sinabi ni Garcia, posibleng mangyari raw ang boxing match sa buwan ng Mayo.
Paglalahad pa ng 33-year-old boxer, matagal na raw niluluto ang laban ngunit mas luminaw lamang ang mga detalye noong nakalipas na taon.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na malaki umano ang tsansa na si Garcia ang makakatunggali nito sa kanyang comeback fight.
Pero inilahad ni Pacquiao na posible pa itong magbago lalo pa’t hindi pa rin daw tapos ang diskusyon naman sa kampo ni pound-for-pound king Terence Crawford.
-
Seguridad sa May 9 polls, ikinakasa na
IKINAKASA na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa gaganaping halalan sa Mayo 9 sa bansa. Nitong Biyernes ay nagsagawa ng Joint Command Conference sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo sina AFP Chief Gen. Andres Centino, PNP Chief Gen. […]
-
Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH
ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan. Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 […]
-
23.9M stude naka-enroll na ngayong school year
Nakapag-enroll na ang nasa 23.9 milyong estudyante ngayong paparating na school year sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Education Secretary Leonor Briones. Katumbas aniya ito ng 86.8 percent na nag-enroll noong nakaraang taon na mas mataas pa sa target na 80 percent. “People were saying, especially the left and the opposition, […]