• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga doktor kabado sa Alert Level 3 sa Metro Manila

Nangangamba ang mga doktor sa bansa sa desisyon ng pamahalaan na ibaba ang Alert Level 3 sa Metro Manila kahit na hindi pa umano nakakahinga ang mga doktor matapos ang ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, na nag-aalala rin sila na baka hindi agad makaresponde ang pamahalaan kapag muling tumaas ang mga impeksyon dahil sa kakulangan na ng mga healthcare workers.

 

 

“Medyo nangangamba kami na itong pagluwag na ito, base sa nakaraan, every time na nagluluwag tayo, medyo may kasamang pagkalimot ang ating mga kababayan,” ayon kay Limpin.

 

 

Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, marami pa rin umanong natitira sa mga pagamutan na malulubha ang kundisyon.

 

 

“Puno pa rin kami, ma­dami pa rin ang COVID-19 cases natin. Puno ang ICU (intensive care unit), emergency wards, although di na talaga siya tulad ng dati. Within the day, naa-admit na namin ang kailangan namin i-admit,” ayon sa doktora.

 

 

“Except kung sabihin natin nakakahinga na kami, di pa rin kami nakakahinga sa ngayon.”

 

 

Marami ring ospital ang kulang sa tauhan dahil sa pagbibitiw ng marami at pagtungo sa ibang bansa lalo na sa United Kingdom at sa Estados Unidos na mas malaki ang suweldo.

 

 

Kung dati, umaasa sila na ang mga bagong doktor at nurse ang humahalili sa mga umaalis ng bansa, sa ngayon ay hindi ito maaari dahil sa kanselado ang eksaminas­yon ng Professional Regulatory Commission (PRC). (Gene Adsuara)

Other News
  • Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye

    INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.”       Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila […]

  • Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’

    PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November.     Kuwento […]

  • Cong. Tiangco at Partido Navoteño nag-file na ng COC

      IPINAPAKITA nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama ang buong Partido Navoteño ang kanilang certificate of candidacy (CoC) matapos silang mag-file para sa kanilang kandidatura sa pagka-Congressman at pagka-alkade ng Navotas City. Pinasalamatan ng Tiangco Brother’s ang buong Partido Navoteño sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kanila. Anila, isang […]