Mga employers ‘di puwedeng sibakin, ipitin ang sahod ng manggagawa – DOLE
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
Binigyan diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaring sibakin ng mga employers ang kanilang mga manggagawa o huwag ibigay ang kanilang sahod dahil sa pagtangging magpabakuna.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang legal basis sa ngayon para sa mandatory vaccination ng mga manggagawa sa Pilipinas.
Pero maari naman aniyang tukuyin ng mga employers sa Metro Manila ang Inter-Agency Task Force resolution na pumapayag sa mas marami pang mga negosyo na makapag-operate sakaling marami sa kanilang mga empleyado ang bakunado na kontra COVID-19.
Sa ngayon, hindi nakikita ni Bello na papabor ang kanyang sarili sa mandatory vaccination hangga’t sa magkaroon ng sapat na supply ng COVID-19 vaccines ang bansa.
Samantala, sinabi ni Bello na sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na mga reklamo laban sa mga employers na ginagawang mandatory sa kanyang mga empleyado ang pagpapabakuna kontra COVID-19. (Daris Jose)
-
Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon
MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag […]
-
Ads April 25, 2024
-
The Cat’s Out of the Bag: “The Garfield Movie” Unveils New Trailer Featuring Chris Pratt
GET ready for a hilarious journey with “The Garfield Movie,” starring Chris Pratt and Samuel L. Jackson. Join Garfield in an epic outdoor adventure hitting screens on May 29. Don’t miss out! A new kind of adventure claws its way into theaters with the much-anticipated release of “The Garfield Movie,” now teasing audiences […]