MGA ESTUDYANTE INARARO NG JEEP
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
Isang estudyante ang patay habang 7 pa ang sugatan nang masagasaan ng pampasaherong jeep sa JP Rizal, Makati City nitong Miyerkoles, Pebrero 12.
Ayon kay Makati Police Chief Rogelio Simon, dinala ang mga biktima sa Ospital ng Makati at Makati Medical Center.
Na-discharge na mula sa mga ospital ang 4 na estudyante, 2 mula sa Makati Medical Center at 2 mula sa Ospital ng Makati.
Under observation pa rin sa Ospital ng Makati ang 3 pang mga estudyanteng biktima.
Kinilala ang idineklarang namatay na si Jules Villapando.
Pawang mga mag-aaral ng Gen. Pio del Pilar National High School ang mga biktima.
Inilabas na rin ng Makati Police ang kuha ng CCTV sa aksidente. Sa video, tumatawid sa pedestrian lane ang grupo ng mga estudyante nang biglang inararo ng jeepney na minamaneho ni Rizaldy Sam-parong.
Sa imbestigasyon, sumalpok ang sasakyan sa mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalapit na kalsada. Sa lakas ng impact, tumilapon ang ilan sa mga biktima at agad silang sinaklolohan ng mga kaklase.
Ayon sa Makati Traffic Bureau, bandang alas 7:25 ng gabi nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Samparong.
Samantala, bukod sa pag-mamahaneho nang walang lisensiya, nagpositibo rin sa illegal na droga ang tsuper na nakasagasa ng mga tumatawid na estudyante. (Daris Jose)
-
3 drug suspects arestado sa P1M shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]
-
Mabigat at intense ang mga eksena sa ‘In Thy Name’: McCOY, naging emosyonal dahil sa natanggap na papuri mula sa ina
NAGING emosyonal nga ni McCoy de Leon at napaiyak sa premiere night ng “In Thy Name” nang i-acknowledge ang ina niya na nasa audience ng gabing iyon sa loob ng Cinema 7 ng SM North EDSA. “I’m proud of you, anak, I’m happy for you,” ang mensaheng sinabi kay McCoy ng ina. “Sobra, sobra, sobrang proud, […]
-
NEW TRAILER FOR “GRAN TURISMO” GIVES A GLIMPSE INTO THE INTENSE AND INSPIRING TRUE STORY OF RACECAR DRIVER JANN MARDENBOROUGH
THIS. ACTUALLY. HAPPENED. See the INSANE TRUE STORY of Gran Turismo, in cinemas August 30. Watch the new trailer: YouTube: https://youtu.be/sM8xVZp2aKs About Gran Turismo Based on the true story of Jann Mardenborough, the film is the ultimate wish fulfillment tale of a teenage Gran Turismo player whose gaming skills won a series of Nissan competitions […]