Mga fans ni Kobe Bryant inalala ang ika-limang taon ng pagkakasawi nito
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
INALALA ng mga fans ni NBA star Kobe Bryant at anak nitong si Gianna ang ika-limang taon ng kanilang pagkakasawi.
Magugunitang noong Enero 26, 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan ng mag-ama kasama ang anim na iba habang patungo sa Thousan Oaks para sa basketball practice.
Kinasuhan naman ng asawa nitong si Vanessa Bryant ang mga imbestigador ng kaso dahil sa pagpapakalat ng video at larawan sa crash site ng hindi ipinaalam sa kaniya.
Dahil dito ay nagwagi siya sa kaso mula sa LA County
noong 2023 at binayaran siya ng halos $30-milyon.
Nagtayo ang mga fans ng rebolto ng dalawa doon mismo sa lugar ng pinagbagsakan ng helicopter.
Nakatakdang ilabas ni Vanessa ang bagong libro na inialay sa mag-ama nito at ito ay ilalabas sa darating na Agosto 19.
Sa Kobe ay 41 anyos at si Gigi ay 13 ng mangyari ang aksidente.
Sa loob ng 20-taon na basketball career ay naging 18-time All-Star si Bryant, 15-time All-NBA honoree, 5-time NBA Champion at 2007-2008 NBA Most Valuable Player.
-
NCR , nasa ilalim na ng alert level 2
SIMULA Nobyembre 5 ay nasa Alert Level 2 na ang Kalakhang Maynila. Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang “de-escalation” ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2. Magiging epektibo ito mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21, 2021. Bukod dito, inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon ng sub-Technical Working […]
-
Tinanggihan sa pag-ibig: Bebot, kinatay ng sekyu
ARESTADO kahapon (Lunes) ang isang security guard na umano ay pumatay sa isang babae sa Kawit, Cavite matapos tanggihan ng biktima ang kanyang pag-ibig. Naaresto ang suspek na si Reggie Boy Estabillo sa isang ginagawang subdivision sa bayan ng Tanza, 3 araw matapos umano niyang patayin sa saksak ang 29-anyos na si Sarah Kaye […]
-
Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games
PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium. Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa […]