Mga gym, spa at internet cafe, sarado sa susunod na 2 linggo- Sec. Roque
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na 2 inggo ang mga gym, spa at internet cafe.
Ani Sec.Roque, alinsunod sa guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroon aniyang kapangyarihan ang mga LGUs na isara ang gyms, spas at internet cafes.
“Isang mahalagang anunsyo po. ..ang DTI po kahapon ay nagsabi na bagama’t hindi po kasama sa mga ipinagbabawal na negosyo ang gyms, spas at internet cafes, mayroon pong colatilla sila. Sarado po sa susunod na 2 linggo ang mga gyms, spas at internet cafes,” ayon kay Sec.Roque.
Sinabi pa ni Sec. Roque na nagbotohan na ang mga Metro Manila (MM) mayors at napagkasundan na sarado nga sa susunod na 2 linggo ang gym, spa at internet cafe.
Bukod dito, inanunsyo rin ni Sec.Roque ang bulletin o advisory mula sa St. Lukes sa BGC at QC, PGH, Makati Med., Asian General at Medical City.
“Kahapon po sinabi natin na .. ine-engganyo natin ang mga pribadong ospital na itaas hanggang 30% ‘yong kanilang mga Covid bed allocations. 30% sa pribadong sektor at 50% sa mga gobyernong ospital. Iyong mga anunsyo po na napuno na.. na inisyu ng mga pribadong ospital.. puno na po iyong mag-Covid bed allocations nila. Hindi naman po ibig sabihin na ang ospital mismo ang napuno na. Mayroon pa po silang espasyo para sa mga non-Covid patients,” ayon kay Sec.Roque. (Daris Jose)
-
Granular lockdowns, ipatutupad sa mga high-risk areas- Galvez
SINABI ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19, na ipatutupad ang “granular lockdowns,” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas. Ang pahayag na ito ni Galvez ay tugon sa naging payo ng OCTA Research team na marapat na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa […]
-
Kahit na nag-e-enjoy sa shoot ng ‘Running Man PH’: GLAIZA, miss na miss na si DAVID na nangakong bibisita sa South Korea
KAHIT na nag-e-enjoy si Glaiza de Castro sa pag-shoot ng Running Man Philippines sa South Korea, miss na miss naman niya ang kanyang mister na si David Rainey. Sa isang sweet post via Instagram Story, ni-repost ni Glaiza ang photo niya with David at nilagyan niya ng caption na, “miss you.” […]
-
Bulkang Kanlaon, patuloy na nagbubuga ng mas mataas na usok
Patuloy na nagbubuga ng mas matataas na usok ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa ikatlong araw kahapon , Miyerkoles, June 24 batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na nasa 300 metro ang taas ng buga nito. “One earthquake at 7:00 p.m. yesterday […]