MGA GYM, SPAS, INTERNET CAFES SARADO SA NAVOTAS
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 054 Series of 2021 na nag-aatas sa pansamantalang pagpapasara ng mga gyms, spas, at internet cafes sa lungsod habang umiiral ang mahigpit na general community quarantine sa Metro Manila mula March 24 hanggang April 4, 2021, maliban kung ito’y pahabain.
Alinsunod ito sa Metropolitan Manila Development Authority Resolution No. 21-05 at sa Department of Trade and Industry Memorandum Circular No. 21-11.
Layon ng EO na higit mabawasan ang pagkalat at paghahatid ng COVID-19 sa komunidad.
“Ang Navotas City Hospital at ang aming community isolation ay umabot sa full capacity dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa ating lungsod. Kailangan nating gawin ang lahat ng pag-iingat at mga hakbang sa kaligtasan upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng virus,” ani Tiangco.
Ang kagamitan sa mga gym at fitness center, pati na rin ang surfaces at lugar, ay naibabahagi sa mga parokyano nito, kaya nadaragdagan ang panganib na mahawaan ng virus. Ganun din sa mga internet cafe, kung saan ang bilang ng mga tao ay gumagamit ng isang yunit ng computer na nagpapataas ng posibilidad hawaan .
Sa kabilang banda, ang social distancing sa mga spa at massage parlor ay halos imposible at mahirap para sa mga manggagawa at kliyente na masunod ang minimum safety protocols.
“Patuloy nating isuot nang maayos ang ating face mask, magsanay ng social distancing, palaging maghugas ng mga kamay, at manatili sa bahay hangga’t makakaya natin. Ang mga safety protocols ang ating pangunahing proteksyon mula sa virus, lalo na ang bago at transmissible variants,” paalala ni Tiangco.
Nauna rito, kinumpirma ng DOH na may 10 kaso ng B.1.1.7 (UK) at isang B.1.351 (South African) variants ang naitala sa Navotas. (Richard Mesa)
-
Sa pag-amin nina Aljur at AJ: KYLIE, pahapyaw na sinabing happy para sa kanilang relasyon
MASAYA ang Valentine’s Day ng pamilya ni Richard Yap, nang umalis siya, kasama ang wife niyang si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan, for Zurich, Switzerland, last February 14. Ayon kay Richard, sa Switzerland na raw nila isi-celebrate ng family niya ang Valentine’s Day, na araw naman ng pag-alis nila […]
-
Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news
MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito. “Fake news […]
-
ELLA, inamin na parang ‘hinusgahan’ niya agad si Direk DARRYL dahil sa mga bashers
HUMARAP sa members of the media ang cast ng Gluta para sa very first face to face presscon ngayong pandemic. Dumalo sa presscon sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Parizcova Segovia who all expressed excitement dahil muli nilang nakaharap ang members of the media in the flesh. […]