Mga hagdan sa Manila North Cemetery, pinagkukumpiska
- Published on October 23, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagkukumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga hagdan na ginagamit na pasukan sa ‘backdoor’ ng Manila North Cemetery (MNC) makaraang ipag-utos ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas.
Unang nakipag-ugnayan si MNC Administrator Yayay Castaneda sa Sta. Cruz Police Station 3 makaraan ang ulat na patuloy ang gawain ng mga residente na nasa likuran ng sementeryo sa pagpapasok sa mga tao gamit ang mga hagdang kahoy.
Pinagkakakitaan ito ng mga residente sa paniningil ng hanggang P50 para makapasok ng sementeryo at makabisita sa kanilang namayapang kaanak o mahal sa buhay.
Samantala, inabisuhan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na agahan na ang pagbisita sa kanilang mga namayapa dahil sa isasara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
Bukod sa mga sementeryo, isasara rin ang mga kolumbaryo at maging ang Muslim Cemetery sa ilalim ng Executive Order No. 33 ni Moreno.
-
‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’
NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors. Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series. Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]
-
Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit
Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021. Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System […]
-
Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan
Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa. “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]